Kabanata 24

29 5 0
                                    

...

Nagising ako sa isang malakas na katok.

"Paumanhin saaming pang i-storbo, ngunit ipinag u-utos ng Mahal na Hari na ihanda ka, Prinsesa dahil ikaw ay kaniyang kakausaping muli" Sabi sakin nung isang tagapag silbi nila.

Umaga na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kahapon.

"Sige. Maliligo muna ako" Sagot ko. Tumayo na ako sa kama at nagtungo sa banyo.

"Tulongan kana namin" Sabi nung isa pero agad akong umiling.

"Ah, N-No.. I can do it myself" Sagot ko at mabilis na pumasok sa bathroom at mabilis na sinarado yong pinto!

Gosh! Hindi ako sanay na pinag sisilbihan ng ganon na pati sa pag ligo ay tutulongan pa nila ako! Naiilang na nga ako pag tinutulongan nila akong mag bihis eh. Ang hirap pala maging prinsesa. Hindi ako sanay na laging may umaalay at tumutulong sakin.. But starting right now kailangan ko na sigurong masanay lalo na kung mag tatagal ako dito.

Nilubog ko ang sarili ko sa tubig dito sa malaking bath tub. Ang laki din ng banyo. Puro ginto pa ang kagamitan. Nagsusumigaw talaga ang karangyaan sa palasyong ito.

Ano kaya ang plano sakin ng Hari? I'm sure he is after my powers.. Pero hindi ko pa naman alam kung paano gumagana yon.. Kung pano ba gumamit ng kapangyarihan. May mga spells pabang sinasabi tulad ng mga napapanuod ko sa movie? May mga hand gestures ba tulad ng sa naruto?

Tss. Bahala na nga. Baka naman sasabihin din sakin ng Hari kung paano gamitin yong powers ko. Kakausapin naman niya ako maya-maya.

Nang matapos na akong maligo ay pinag suot na ulit nila ako ng magarbong bestida. Ewan ko ba pero normal na kasuotan ata nila ito. Mga Royal Blooded, required ata talagang mag suot ng ganito.

After ko mag bihis ay pinakain muna nila ako, pagkatapos nun ay inayusan na ulit nila ako. Di ko alam kung saan nila nakukuha yong mga pang pagandang nilalagay nila sakin, siguro may halong kapangyarihan din yon?

Inayos nila yong buhok ko at makalipas ang 30 minutes ay tapos na ako. Hinatid na ako nung isang tagapag silbi sa isang malaking library.

"Mahal na Hari, nandito na po ang Prinsesa" Sabi nung taga pagsilbi. Agad ko namang nakita yong Hari na nakaupo sa harap ng isang lamesa tas madaming nagkalat na libro sa ibabaw ng lamesa nya.

"Maupo ka" Wika niya sakin at iminuwestra nya yong upuan na nasa harap. Bago ako umupo ay yumuko muna ako sa harap nya bilang pag galang.

"Magandang Umaga. Mahal na Hari" Mungkahi ko. After kong sabihin yon ay umupo na ako sa harapan niya. Nakangiti syang tumingin sakin.

"Magandang Umaga din sa isang magandang Dyosa na katulad mo" Sabi nya at matamis na ngumiti sakin. Tumango lang ako. Nakakailang tawaging dyosa. Errr. Hindi din ako sanay sa sobrang lalim na pananalita nila. Feeling ko tuloy napunta ako sa sinaunang panahon.

"Mukang hindi na tayo mahihirapan na pakisamahan ang isa't isa" Mungkahi nya. Kumunot naman ang nuo ko.

"Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ko. Muli syang ngumiti. Malapad na ngiti.

"Pinatawag kita upang ipaalam sayo ang mga pinaplano ko para sayo. Hindi naman lingid saiyong kaalaman ang iyong tinataglay na kapangyarihan. Nasisigurado kong napakadaming bagay ang pwede mong gawin gamit ang iyong kapangyarihan. Isa na dyan ang pamamahala sa buong mundo ng Lemureeyah" Kumunot ang nuo ko sa mga sinasabi niya.

"Ngunit, hindi ko pa alam kung paano gamitin ang kapangyarihan ko" Sagot ko. Tumango-tango siya.

"Hindi iyon hadlang. Pwede kang mag sanay. Pwede kong ipag utos sa mga nakakataas na konseho na turuan ka at tulongan ka sa pagtuklas ng iyong kapangyarihan." Tumango-tango lang ako.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon