• • •
"Hindi parin ako maka-move on sa nangyare kanina!"
"Yeah! Masyadong nakakabigla ang mga pangyayare!"
"Ang bilis nya! Nakaka-bilib!"
"Maging ako ay hindi din makapaniwala" Pag sali ko sa usapan nila Cassie. Nandito kami ngayon sa canteen at nag la-lunch. Kasama ko ngayon sila Cassie, Mhayeen at Farrah. Si Meilin ay nasa office ng archery club at kinakausap ata sya ng officers ng archers club about sa pagkapanalo nya. Si Rui naman ay tinawag sya kanina ni Saru at may pag uusapan ata sila.
"Grabe! I didn't expect that from Rui! May tinatago din palang kamandag" Natatawang wika ni Farrah.
"I just can't believe that he kissed meilin just like that! Oh my ghad!" Di din makapaniwalang mungkahi ni Cassie.
Kahit din naman ako ay nabigla sa ginawa nya. After nyang ginawa yun ay napatulala si Meilin at halos kasing pula na ng mansanas ang muka nya. Hindi agad sya nakagalaw at parang na-estatwa nalang sya duon. Si Rui naman ay parang nagulat din sa ginawa nya pero nang makabawi sya ay agad syang nag paalam samin at agad na umalis.
Nakakabigla man yong nangyare pero ship ko na silang dalawa! Hindi na ako magtataka kung malalaman nalang namin na may namamagitan na sakanilang dalawa. Besides, they look so cute together.
"Mag partner pa naman silang dalawa sa sayaw! Hindi na ako magugulat kapag nalaman kong nagka-develop-an na silang dalawa" Mungkahi ni Mhayeen.
"Anong meron sa mga mag partner ngayon sa sayaw noh? Naghahalikan sila" Natatawang wika naman ni Farrah. Napakunot naman ang nuo naming tatlo.
"What do you mean farrah? Nag kiss na din kayo ng partner mo?" Tanong ni Cassie. Nanlaki naman ang mata ni Farrah.l
"What?! No! I mean! Diba sila ni Saru at mizuki ay aksidente ding nag kiss?!" Sagot naman ni Farrah. Parang bigla ko namang naramdaman na uminit ang muka ko at im sure namumula nanaman ang buong muka ko.
Kapwa pa sila napatingin sakin at napangiti ng nakakaloko.
"W-what? T-t-that was an accident!" Pag depensa ko.
Shit! Naalala ko nanaman yong pangyayareng yon! Nakalimutan ko na nga eh! Bakit paba nila pinaalala? Grabe! Nakakahiya!
"Yiiieee! Namumula si Mizuki! Naalala mo noh?" Tanong ni Mhayeen na may nang e-echos na tingin.
"S-Shut up!" Nauutal na sagot ko at nag tawanan naman silang tatlo.
"Pero seriously, mas bet ko si Theo para sayo" Wika ni Cassie.
"Mas ship ko si Saru at Mizuki" Mungkahi naman ni Mhayeen. Nagkatinginan naman sila ni cassie.
"What? Mas bagay kaya sila ni Theo! At tsaka isa pa, they're officially in a relationship" Sagot ni Cassie.
"Magbi-break din naman sila! Asawa nga naa-agaw, girlfriend pa kaya?" Natatawang sagot din sakaniya ni Mhayeen.
"Hey ano ba yang pinag aawayan nyo. Baka nakakalimutan nyong nandito si Mizuki" Saway naman sakanila ni Farrah.
"Oo nga. Wag ka namang ganyan Yen! Parang sinasabi mo naman na aagawin sya ni Saru kay Theo" Sagot ni Cassie.
"Malay natin" Natatawang wika ni Mhayeen
"That's bad!" Sabat ni Farrah.
Hindi ako makapagsalita because honestly their topic is a little bit awkward for me.
"Ikaw farrah? Sino bang mas bet mo para kay Mizuki?" Tanong sakaniya ni Mhayeen. Napatigil naman si Farrah at napatingin sakin
"Team Theozuki or Team Mizuhiko?" Tanong pa niya. Pareho naman kaming napakunot ng nuo kay Mhayeen

BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.