• • •
Sabado na at ngayon na nga gaganapin ang Dance Competition kaya maaga akong gumising. Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong bumaba pero laking gulat ko nang makita ko si Theo sa kusina.
Nag hahain na ng pagkain sa lamesa. Nilingon nya ako at agad na ngumiti ng matamis.
"Goodmorning, Mizuki. Happy Birthday!" bati nya sakin. Naghila sya ng upuan at pinaupo nya ako don.
"G-Goodmorning. Thank you" Yon lang ang naisagot ko sakaniya.
Nakakapanibago. Hindi ako sanay na ganito sya sakin, kahit kagabi pa sya sobrang sweet at caring sakin medyo naiilang ako.
"Kasali ka sa dance competition diba?" He ask habang pinag lalagyan nya ng pagkain ang plato ko.
"Ah, Oo" sagot ko.
"Goodluck. I'll be watching" Sagot nya. He looks at me at ngumiti ulit sya.
Shit heart! Calm down! Si Theo lang yan!
Bakit ba ang gwapo nya? Tsk!
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa inamin sakin ni Theo kagabi. Inamin lang naman nya na mahal nya ako. Natameme ako at hindi ko alam ang sasabihin ko hanggang sa matapos ang date namin na lutang ako. Oo at hindi lang ang naisasagot ko sakaniya kagabi. Hindi nya ako tinanong kung mahal ko din ba sya o hindi basta ang sinabi nya lang, hayaan ko lang daw syang iparamdam sakin ang pag mamahal nya.
At yon na nga simula pa kagabi sobrang sweet na nya sakin at ang soft na din na pakikitungo nya sakin. Hindi na din sya laging naka-poker face instead lagi na nya akong nginingitian. Nakakapanibago talaga.
Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming nag punta sa school, akala ko pag dating namin ng school ay lalayo na sya at hahanapin na ang mga kaibigan nya pero nagulat ako nang sumama sya sakin hanggang sa Dressing room. I ask him kung bakit sya sumusunod sakin pero ang sagot nya lang ay dahil gusto nya daw akong samahan.
"Hindi kaba hinahanap ng mga kaibigan mo?" I ask Theo. Nandito na kami ngayon sa dressing room at inaayusan na ako ng mga stylist na kinuha ni Cassie para samin.
"Nope. Sinabi ko naman sakanila mamaya na ako makikipag kita." sagot nya.
"Wala ba kayong gagawin ngayon?" Tanong ko pa.
"Wala naman."
"Ayos lang naman ako dito. You can go now" wika ko. Medyo naiilang kasi ako sakaniya kasi kanina pa nya ako tinititigan mula sa salamin. Nakaupo lang kasi sya sa couch sa likod ko.
"Mamaya. Ihahatid muna kita sa backstage tapos aalis na din ako" Tumango nalang ako at umiwas ng tingin.
Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto ng dressing room at pumasok si Saru. Sa likod nito ay nandun si Lucifer at hawak nya ang tali ni Chopper. Agad na kumawala si chopper at lumapit sa amo nya.
"May naghahanap sayo, Theo" bungad ni Saru at sumulyap sya kay Theo. Kumaway pa sakin si Lucifer ng makita ako at kumindat. Kinunotan ko lang sya ng nuo.
"Ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang event." Wika ni Saru, lumapit pa sya sakin
Tumango lang ako.
"Hihintayin ka nalang namin sa Backsatge. Sila cassie ay papunta na dito at dala nila ang isu-suot mo. Good luck satin" ngumiti ako kay Saru.
"Goodluck satin" Sagot ko. Nginitian nya lang ako at tsaka nag paalam nang aalis na sya.
"Ang ganda ni Mizuki" Puna ni lucifer. Umupo sya sa tabi ni Theo.
"Yes, she is" sagot ni Theo at tumitig muli sakin. Nailang naman ako at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.