Kabanata 8

40 6 0
                                    

• • •

"ANO?! BIRTHDAY NI THEO NGAYON?!" Gulat na tanong ko. Napatakip naman ng tenga si Lucifer na ngayon ay nakaupo sa may bar stool habang ako ay naglu-luto para sa tanghalian namin.

Kanina pa pala umalis si Theo nung umaga at kanina pa din nandito si Lucifer at wala siyang ibang ginawa kundi ang kumain ng kumain.

"Oo nga. Kaya sya umalis dahil pupunta siya sa main house nila at duon nila ice-celebrate ang birthday niya" Paliwanag ni Lucifer habang nakapangalumbaba.

Humarap nalang ako sa niluluto ko, nagluluto ako ngayon ng sinigang. Request kasi ni Lucifer. Today is November 5. Theo's birthday, ni hindi ko alam na birthday niya pala ngayon. Hindi ko man lang siya nabigyan ng birthday gift or kahit nabati man lang ng Happy birthday. 

"Maybe that's the reason why we hang out last night. Pero bakit naman hindi niya sinabi sakin na birthday niya pala." Wika ko.

"Bakit saan kayo galing kagabi?" Tanong ni Lucifer na may nakakalokong ngiti sa labi niya.

"H-huh?! S-sa Night Market lang kami nagpunta sa may mini Amusement Park" sagot ko at nag iwas ng tingin.

"Hmm.. So it means nag date kayo kagabi?" Tanong niya ulit. Nanlaki naman ang mata ko.

"D-date?! H-hindi! M-Mali ang iniisip mo! We just.. just.. H-Hang out.. I guess?" Alanganing sagot ko. Narinig kong humalakhak si Lucifer.

"Si Theo talaga.." Mahinang wika niya at umiling-iling pa.

"Anong oras pala siya makakauwi?" Tanong ko kay lucifer. Pinatay ko muna ang stove ng matapos akong mag luto.

"Hindi ko alam eh. Baka gabi na din siya makakauwi" Sagot nya. Nag sandok ako ng ulam at kanin at inayos ko na ang lamesa.

"Hindi ko man lang siya na-greet or nabigyan ng regalo." Wika ko. Lumapit na si Lucifer sa dining table.

"Woahh! Ang bango naman nito! Ang galing mo talaga mag Luto Mizuki!" Puri niya sa niluto ko. Napakamot lang ako sa batok ko. Umupo na siya at nag sandok na ng pagkain sa plato niya. Umupo na din ako at kumain.

"Pwede mo naman siyang i-greet mamaya pagdating niya." Sagot ni Lucifer.

"Lucifer.. Alam mo ba kung saan mahilig si Theo? Wala kasi akong maisip na pwedeng iregalo sakaniya" Sincere na wika ko.

"Hmmm" Pumangalumbaba si Lucifer at umaktong nag iisip.

"Sa tingin ko ay hindi naman mahilig sa mga materyal na bagay si Theo since nakukuha naman niya lahat ng gusto niya" Paliwanag niya.

"Hindi mo ba siya binibigyan ng regalo sa tuwing birthday niya? Tsaka bakit wala ka ngayon sakanila? Hindi kaba niya inimbitahan?" Tanong ko pa. Natawa naman siya.

"Invited ako siyempre. Pero since may importante akong trabaho hindi na muna ako um-attend" sagot niya. Kumunot naman ang nuo ko.

"Ano naman yong importante mong trabaho?" Tanong ko. Ngumiti lang siya.

"Sakin nalang yon. Hindi mo na kailangan malaman. Anyway, binibigyan ko naman ng regalo si Theo tuwing birthday niya kaso hindi niya tinatanggap eh" Natatawang wika niya.

"Ano bang binibigay mo sakaniya?" Kumunot ang nuo ko sa pagtataka.

"Babae" Proud pang wika niya. Nabulonan naman ako bigla sa sagot ni Lucifer kaya mabilis akong kumuha ng baso at nilagyan ng tubig ito.

"Okay ka lang mizuki? Dahan-dahan lang kasi" nag aalalang wika pa niya.

"Okay lang ako. Bakit naman kasi babae ang binibigay mo kay Theo?" Inis na tanong ko. Natawa naman siya ulit.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon