Kabanata 16

33 5 0
                                    

• • •

"Mizuki! Are you alright?!"

Nagulat ako at nabalik ako sa reyalidad nang biglang may humawak sa mga braso ko. Tumambad sakin ang nag aalalang muka ni Theo.

"T-Theo"

Sinipat nya ako at tinitignan kung nasaktan ba ako or what.

"Ayos ka lang ba? Anong nangayare? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong nya. Umiling lang ako at nilingon ang kinaroonan ni Mhayeen. Nakita ko na nanduon si Lucifer at marahan nyang tinitignan kung may malala bang nangyare sakaniya.

"S-Si Mhayeen. A-ayos lang ba sya?" Tanong ko sa nangangatal na boses.

Agad naman kaming nilingon ni Lucifer.

"She's fine. Konting gasgas lang ang natamo nya. I'll take her to the clinic" Sagot nya samin at marahan nyang binuhat si Mhayeen.

"Ikaw na ang bahala kay Mizuki" Dugtong pa ni Lucifer at umalis na. Naramdaman ko naman na inalalayan na ako ni Theo patayo.

Gulat at nalilito parin ako sa nangyare at hindi ko na din maintindihan ang mga nangyayaring ito. Nilingon ko ang truck na natutupok na ngayon ng apoy.

"Tara na." Wika ni Theo.

"Lets go home" Seryoso ang boses nya.

"B-but.. Si Mhayeen" Nag aalalang wika ko. Seryoso nya akong tinignan.

"Wag kang mag alala sa kaibigan mo, she's fine. Umuwi na muna tayo"

Hinila na nya ako papunta sa parking lot, pinag buksan pa nya ako ng pinto ng kotse at sumakay na din sya at pinaharorot ang sasakyan pauwi. Tahimik lang kamiha bang nasa byahe.

Iniisip ko kung paano nangyare yong kanina? Saan nanggaling ang malakas na pwersa na tumulak at nagpatilapon sa truck na yon? Kung iisipin mo, parang napaka-imposibleng pangyayare, pero hindi ako pwedeng mamalikmata o mag imagine lang dahil totoong totoo ang pangyayare. Kitang-kita ko ang lahat, nangyare ang lahat ng yon sa harap ko mismo..

"Mizuki"

Narinig ko ang pag tawag ni Theo kaya napalingon ako sakaniya. Seryoso lang ang muka nya habang nang da-drive. Palagi naman.

"Are you okay?" He ask.

"Yes.. Im fine" sagot ko.

Iniisip ko kung dapat ko bang sabihin ang nangyare kanina.. Maniniwala kaya sya kung sakaling sinabi ko ang totoo?

"What happened to the truck?" He asked..

Ito na nga yong sinasabi ko, magtatanong at mag tatanong siya sakin. Anong sasabihin ko? Should i tell him the truth?

"Uhh.. Y-yong truck.. That truck supposed to hit me.. But... But.." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakaniya ang totoo o gumawa nalang ako ng palusot.

"But what?"

Napabuntong hininga nalang ako. I think wala naman sigurong mawawala kapag sinabi ko ang totoo sakaniya?

"Would you believe me if i say na tumilapon yong truck papalayo bago pa ito makarating sakin at masagasaan ako?" I asked. Nagulat ako nang biglang nanlaki ang mata nya at napaapak pa ito sa preno bigla, muntik pa akong mauntog buti nalang ay naka-seatbelt ako. Marahas syang napatingin sakin.

"W-what did you say?!" Gulat na gulat na tanong nya.

"Pwede bang mag ingat ka naman?" Tanong ko at ngumuso. Napaiwas sya ng tingin.

"I-Im sorry.. I was just shocked." Sagot nya at nag maneho na ulit. Medyo gulat naman ako at napatulala sakaniya.

Totoo ba itong nakikita ko? Si Theo? Nag so-sorry sya sakin? At ang gentle din ng pakikitungo nya sakin ngayon. So miracles do happen nga talaga? Well, nangyare na nga kanina eh.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon