Kabanata 3

74 8 0
                                    

• • •

"Come in" wika ni Theo pagbukas nya ng pinto ng condo nya. Nauna syang pumasok. Nag aalinlangan akong pumasok dahil hindi ako komportable.

Dahil una, kaming dalawa nalang ngayon ang magkasama, si Elissa ay nakatira sa bahay nila which is malayo dito sa condo na tinitirahan ni Theo.
Pangalawa, magsasama kami sa iisang bubong. Babae ako at lalaki siya.. Hindi ba parang ang pangit naman tignan? Parang... Parang...

Arg! Stop! Stop! Stop!

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Nakakainis naman!

Anyway, kakalabas lang pala ng hospital si Theo kanina. Nagpa-diretso naman agad sya dito sa condo niya. Si Elissa ay umuwi na din sa bahay nila at sinabing dadalaw nalang daw sya sa mga susunod na araw.

"What are you waiting for? Gusto mo bang dyan kana tumira sa labas?" Masungit na tanong ni Theo sakin. Nakaupo na sya sa magarbo nyang sofa sa living room. Mula dito kasi sa kinatatayuan ko ay kita ang buong living room

Mabilis akong pumasok at isinara ko ang pinto.

*Arf! Arf!*

Halos mapatalon ako sa gulat at halos mabitawan ko ang mga bag na dala ko nang biglang makarinig ako ng tahol ng aso sa likod ko.

"Chopper! Behave. Come here my boy" tawag nya sa aso nya. Mabilis namang tumakbo sakaniya ang aso nyang malaki at mabalahibo. Kung di ako nagkakamali Golden Retriever ang breed ng aso nya.

"Good boy. Good boy" wika ni theo. Pinagmasdan ko syang makipag laro sa aso nya. He looks so cute while playing with his dog. Hindi ko napigilang matawa ng bigla sya nitong dinilaan sa muka. Agad naman syang napalingon sakin at bumalik ang masungit na aura niya. Tumikhim pa siya.

"Ilagay mo na yang mga bag duon" wika nya at tinuro nya sakin ang isang malaking cabinet sa gilid. Sinunod ko lang naman ang sinabi niya at nilagay ko na ang mga bag nya duon. Nang tapos ko nang mailagay labat ay sinarado ko na ang cabinet. Hawak ko nalang ngayon ay yong mga pinamili namin ni Elissa kahapon.

"Tara. Ituturo ko ang kwarto mo" malamig na wika nya sa gilid ko at halos atakihin ako sa gulat.

Bakit ba bigla bigla nalang kasi siyang sumusulpot sa kung saan saan!

Nakita ko siyang umakyat sa hagdan kaya sumunod nalang ako sakaniya. Huminto sya sa tapat ng isang pinto at binuksan nya ito.

"Ito ang magiging kwarto mo. Nasa kabila lang ang kwarto ko para in case na may ipapagawa ako kakatok lang ako." Sambit nya. Nilingon ko sya at mabilis syang nag iwas ng tingin ng sandaling mag tama ang mga mata namin. Kumunot naman agad ang nuo ko.

"Ayusin mo muna ang mga gamit mo, pagkatapos ay bumaba ka dahil may pag uusapan pa tayo" After that ay tumalikod na sya at bumaba na ng hagdan. Hindi ako sumasagot sakaniya dahil hindi ako komportable kapag nasa malapit siya at hindi ko din naman alam ang sasabihin ko. Nag kibit balikat nalang ako at pumasok sa kwarto ko

Inayos ko ang mga gamit na pinamili namin ni Elissa. Kompleto ang mga gamit, pati mga school supplies. Since lahat ng gamit ko ay naiwan sa bahay at mukang walang balak si Theo na pabalikin ako sa dati naming bahay.

Pero naisip ko lang na, pano kung hinahanap pala nila ako? Paano kung nag aalala din pala sila sakin?

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa. As usual. Walang ni isang tawag o text man lang galing sakanila. Patunay na wag na akong umasa na may pakialam pa sila sakin. Grabe, anong klaseng mga tao sila? Kahit naman hindi nila ako totoong anak o kadugo, inampon parin nila ako at legal nila akong inampon. Ibig sabihin responsibilidad parin nila ako. Hindi man lang ba nila ako tinuring na totoo nilang anak?

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon