. . .
"You traitor" Wika ni Haring Amphopis. Nasa likod ko ngayon si Reyna Xavianna at nasa harap namin ang Hari habang matalim na nakatingin samin.
"I am not. Hinahayaan ko lang na mangyari ang propesiya." Rinig kong sagot ng Reyna. Napalingon ako sa Reyna. Matalim lang din siyang nakatingin sa Hari habang banayad na inaalon ng hangin ang mahaba nyang buhok maging ang eleganteng puting kasuotan niya.
Natgilan ako ng parang may bigla akong maalala, medyo kumirot ang ulo ko. Teka.. Parang nakita ko na ang pangyayaring ito.
"Hinding-hindi mo ako matatalo. I am the King, you're just a Queen without a King." Muli akong napalingon sa Hari. Taas nuo na siyang nakatigin samin.
Bakit parang nangyari na ito? Parang narinig ko na ang mga sinasabi nila, parang nakita ko na ito nuon. Kaso hindi ko maalala kung saan, at kailan.
"I don't necessarily need a King, I can stand alone powerful and unbeatable. And I have my powerful pieces who can defeat you. We're not playing a chess game, where if I don't have a King I'm not able to fight, we're playing a real life game here." Sagot ng Reyna.
Ngayon naalala ko na! Napanaginipan ko ang pangyayareng ito nuon, nung nasa mundo pa ako ng mga tao. So that's not just a simple dream, it has meaning at ito na nga iyon. Parang isang pangitain.
"Wag kang masyadong makampante, Reyna Xavianna. Kahit anong mangyari, hindi ako papayag na mapatay nyo ako. Kayo ang kikitlin ko!" Wika ng Hari
Unti-unting may lumalabas na itim na usok sa gilid ng Hari, ang usok na yon ay unti-unting nabubuo na tila isang malaking buhawi. Lumipad ito patungo sa direksyon namin, mabilis kong pinigilan ito gamit ang hanging kapangyarihan ko, ngunit laking gulat ko nang hindi ito napigilan ng kapangyarihan ko at tuloy-tuloy itong patungo sakin.
Humarang ang reyna sa harap ko at nagpalabas siya ng madaming skeleton sa harap namin at mabilis na gumalaw ang mga ito at sinuong ang buhawi. Hinangin naman ang mga skeleton at sa dami nito ay mistula nang buhawi ng mga skeleton ang itsura nito.
"Make it explode!" Wika ng reyna. Agad naman akong nagpalabas ng bomba at hinagis sa buhawi ng mga skeletons at walang ano-ano'y sumabog ito at naging abo ang mga skeleton at maging ang buhawi ay naglaho.
"Watch out!" Sigaw ko nang mamataan ko ang tatlong linyang parang kalmot na hangin na patungo samin. Kinabig ko ang reyna para makaiwas duon. Nagdire-diretso ang hangin hanggang sa maputol nito ang mga puno sa likod namin. Its a wind claw.
"I have a plan." Mungkahi ng reyna nang maayos na syang nakalutang sa ere. Nilingon ko sya at seryoso lang syang nakatingin sa Hari di kalayuan.
"Ano yon?" Tanong ko.
Umiwas ang reyna nang inatake ito ng hari. Sinubukan kong atakehin ang Hari ngunit walang kahirap-hirap niya din itong naiiwasan.
"I have this special scythe. This is my special weapon that I am using to kill immortals. But this scythe can't kill the king, it just can stun him. He will not able to move, I will absorb his energy and power too... so that you can strike him with all of your power. I am not sure if this stands a chance but this is the only plan that is possible." Paliwanag ng Reyna.
Muli akong umiwas nang umatake pa ang hari.
"Ano? Puro depensa nalang ba ang gagawin nyo? Hindi ba ay sumugod kayo dito para patayin ako?" Natatawang wika ng Hari.
"Wag kang masyadong mainipin, Hari. Nag uumpisa pa lamang kami." Mungkahi ng reyna. Muli siyang nagpalabas ng mga skeletons, pero mas madami ito kumpara sa kanina.
"Buy me time. Mag hahanap ako ng tamang tyempo." Mungkahi niya at mabilis na gumalaw.
Sabay-sabay ding sumugod ang mga skeletons na ginawa ng reyna. Nagpalabas ng madaming insekto ang Hari at pinasugod din ito sa mga skeletons, libo-libong mga insekto ang umatake sa mga skeletons at ang iba ay nagiging abo na dahil mukang kinakain ng mga insektong ito ang mga skeletons.

BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.