. . .
"Magandang gabi Prinsesa"
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa may bintana ng aking silid at laking gulat ko nang makita ko duon si Theo, nakaupo sa may bintana habang nakatingin sakin at nakangiti ng malapad.
"What the hell are you doing?" Singhal ko. Balak nanaman ba nya akong itakas? Last time kasi bigla din syang sumulpot sa bintana at bigla-bigla niyang sinabi na kailangan naming tumakas.
"Wala naman. Binibisita lamang kita, nais kong malaman kung bakit hindi ka pa nagpapahinga?" He ask. Ang lalim naman ata niyang magsalita. Hindi ako sanay.
"Kung gusto mo akong bisitahin bakit hindi ka nalang dumaan sa pintoan? Akala ko may balak ka nanamang itakas ako." Sagot ko. Napatawa naman siya sa sinabi ko.
Ang gwapo naman niya tumawa. He looks so happy.
"Kung gusto mong tumakas tayo, bakit hindi?" Natatawang sagot niya. I just rolled my eyes. Tumingala siya sa langit. Gosh! He's so handsome.
What a dazzling prince sitting on my window.
"Look at the Moon" Wika niya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama ko at lumapit sa bintana kung saan sya nakaupo at gaya niya tumingala ako sa langit.
Namangha ako nang makita ko ang buwan na sinasabi niya, sobrang laki nito at sobrang liwanag.
"Ang ganda" Wika ko. Napupuno din ng maliwanag na bituin ang buong kalangitan. Ngayon ko lang na-appreciate ang langit kapag gabi. Sobrang ganda pala pag masdan.
"Tonight is full moon" Wika ni Theo. Napatingin naman ako sakaniya, he's still staring at the bright moon. Napatitig nalang ako sa gwapo niyang muka, ang ganda ng kulay green niyang mata, parang nag go-glow ito. Inaalon naman ng hangin ang malambot nyang buhok. Duon ko lang narealize, parang tumitingkad ang kulay ng kaniyang buhok. His hair was light brown before but now it's turning gold.
"Kaya pala ngayon sila nag umpisang lumusob sa Ionia" Wika niya. Nilingon niya na ako at nagtama ang tingin namin, my heart skip a beat.
"B-bakit?" I stupidly ask.
"Gian.. is God of the moon.. At tuwing full moon, lumalakas ang kaniyang kapangyarihan" Sagot niya sakin.
Hindi ako nakasagot agad. Ngunit laking gulat namin ng makarinig kami ng pagsabog sa di kalayuan.
"What was that?!" I ask. Pareho kaming dumungaw sa ibaba at laking gulat namin ng makita naming may mga ibang nilalang ang umaatake sa mansion ni Saruhiko at ang iba ay nakapasok na.
"Fvck! They found us!" Wika ni Theo. Marahas na bumukas ang pinto, mabilis na humarang sa harap ko si Theo. Bumungad naman samin si Saruhiko. Nag aalala ang ekspresyon niya.
"Sinusugod nila ang Mansion. Ang iba ay nakapasok na, tumakas na kayo!" Wika niya.
"But how about you?" I ask.
"Susunod na ako! Dali! Lumabas na kayo, mag tungo kayo sa lawa sa hardin. Lagusan iyon, diretso sa kaharian ng Ionia"
"Let's go!" Wika sakin ni Theo at hinila na ako.
"Sa likod kayo dumaan dahil madami nang kalaban sa harap" Wika ni Saru. Tumatakbo na kami ngayong tatlo sa pasilyo nang mansion patungo sa hagdan.
"Hindi ako makapaniwalang kaya mong magtraydor sa Noxus para lang sa babaeng yan!" Nagulat kami nang biglang sumulpot sa harapan namin si Coreen. Galit na galit ang ekspresyon niya at may mga bolang itim na usok ang nasa magkabilang kamay niya at pinatama samin.

BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.