Kabanata 13

36 5 0
                                    

• • •

"Wow! Excited nako mamaya!" Masayang wika ni Farrah. Naglalakad kami ngayon sa open field ng shool at papunta kami ng Dance studio para mag practice.

"Me too! I want to try the horror booth!" Excited na mungkahi ni Cassie.

Abala na kasi ang mga studyante dito sa open field at tinatayo na nila ang iba't-ibang mga booth na ginawa nila para mamayang gabi. Magkakaroon kasi ng mini night market dito sa school at magiging open ito sa lahat.

"Anong booth ang pinatayo ng bawat klase nyo?" Tanong naman ni Mhayeen.

Kasama na namin sya ngayon. Okay na daw siya at hindi naman masyadong malala yong injuries na natamo nya kanina.

"Jail booth ang pinatayo ng klase namin, tama ba Farrah?" Wika ni Meilin. Magkaklase kasi si Meilin at Farrah.

"Yup!"

"Saamin Photo booth lang" sagot ni Cassie.

"Anong sainyo, Mizuki?" Tanong sakin ni Farrah. Napalingon naman ako sakanila

"Maid cafe" Tumango-tango naman sila.

"So mag su-suot kayo ng pang maid ng costume tulad ng mga napapanuod ko sa anime? That was so cute!!" Wika ni Cassie at napahawak pa sa magkabilang pisngi nya at halos mag ningning ang mata nya.

"I would like to visit your booth later!" Excited din na mungkahi ni Mhayeen.

"Let's visit their booth later!" Mungkahi ni Farrah at sumangayon naman silang lahat. Hindi naman na ako sumagot.

Hindi ko kasi alam kung mag i-stay hanggang mamaya si Theo dito. Baka kasi mag aya na siyang umuwi agad. Pero naka-toka kami ni Rui mamaya sa Maid Cafe namin ng 6-7 pm.

Nang makarating na kami sa Dance studio ay nandon na silang lahat. Agad naman kaming nagsimula mag practice.

"Ang lapit na ng dance competition. Are you ready?" Bulong ni Saru sakin habang sumasayaw kami. Nakayuko lang ako dahil tinitignan ko ang paa ko. Hindi ako magaling sumayaw ng ballroom or sweet dance kaya nangangamba ako na baka matapilok ako or maapakan ko si Saru.

"Hindi. Im still not ready" sagot ko. I heard him chuckle.

"You can do it, Mizuki" He said in a soft voice. Napatingin ako sakaniya at ngumiti sya.

"Don't always look down. Ang panget kasi tignan. Just look at me"

"B-but, baka kasi matapilok ako or maapakan kita." Sagot ko at napakamot pa ng batok. He chuckles again.

"Hindi yan, just follow my lead. Just look me in the eyes. Trust me." Wika nya. Napatulala naman na ako sa mata nyang nakatitig lang sakin.

I follow his instructions, medyo naiilang akong makipagtitigan sakaniya kaya maya't maya akong napapaiwas ng tingin. And i feel like my face is like an apple right now!

"Sanayin mo dapat ang eye contact natin, ito kasi ang kailangan nating gawin while we're dancing" Wika ni saru.

Muli naman akong napatingin sakaniya. He is now smiling. Hindi ko namalayan na napangiti na din pala ako.

Inalis ko ang pagkailang ko at tumingin na sakaniya. Hindi na ako yumuyuko at sinusundan ko lang ang bawat galaw nya. I can say that he's a good dancer. Nadadala nya ako kahit hindi naman ako ganon kagaling.

Natapos ang practice namin ng 5pm. Umalis naman agad sila Cassie dahil sila daw ang naka-schedule ngayon sa kani-kanilang booth. Kaya naiwan kami ni Rui at Saru dito sa Dance studio. Nag ayos lang ako ng gamit at lalabas na sana ako para hanapin si Theo.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon