"Akala ko di ka na dadating" nakangising wika ni Fiona nang makalapit ako sakaniya. Nasa kanila ngayon ang bola at ang kakampi nya ang nag di-dribble."Madaming namamatay sa akala" malamig kong sagot. Narinig ko namang napatawa siya.
"Prepare to lose"
I smirk and meet her eyes.
"Baka ikaw ang hindi naka-prepared" Sagot ko. Nakita kong ipapasa sana ng kakampi nya ang bola sa kabilang side kung saan nandun ang iba nilang kakampi pero mabilis akong tumalon at sinalo ang bola.
Tumakbo ako papunta sa court namin at pinasa ang bola kay meilin na naghihintay na malapit sa ring. Tumakbo ako ng mabilis ngunit hinarangan ako agad ni Fiona at tinulak. Napaatras ako, umikot ako para hindi nya ako matulak ulit at nilampasan na sya. Pinasa naman ni meilin ang bola kay Cassie at tumakbo ito palayo sa mga kalaban.
Habang tumatakbo ako ay sumenyas ako kay farrah. Pumwesto naman sya at akmang isho-shoot na ang bola, mabilis akong tumalon, sinalo ang bola at malakas ko itong ni-dunk sa ring.
Narinig ko ang sigawan ng mga audience sa pangunguna ni Rui
"WOAAAA!!!! NICE ONE" Sigaw ni Rui at sumuntok pa sa hangin.
"Beat that!" Wika ni Cassie at nanghahamong tumingin kay Fiona.
"Tsamba" ismid na wika nya. I laugh.
"Nagsisimula palang ako" wika ko.
Sampo pa ang lamang nila kaya mas kailangan kong galingan. Kailangan kong habolin ang score nila.
Nagpatuloy lang ang laro namin, panay ang tulak at bunggo sakin ni fiona. Ang sama pa lagi ng tingin nya sakin.
Nasa akin na ang bola at nag di-dribble ako. Nasa harap ko si fiona at binabantayan nya ako, panay ang attemp nya sa pag steal ng bola pero sadyang mabilis akong nakakaiwas.
Tumakbo ako ng mabilis para makawala may fiona, tumalon ako at akmang iso-shoot na ang bola pero laking gulat ko nang biglang sumulpot sa harap ko si fiona, tumalon din siya, tinulak nya ako ng malakas at tinapik ang bola.
Na-out balance ako at lumanding sa sahig. Napadaing ako sa sobrang sakit ng likod at pwet ko.
"MIZUKI!" Sigaw nila Cassie. Hindi ako agad nakagalaw sa sobrang sakit ng katawan ko. Narinig ko ang whistle ng referee at tinawagan ng foul.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Mhayeen.
"Mizuki! Mizuki! Hey!" lumapit sakin si Cassie. Dinumog ako ng mga ka-team ko.
"Kaya mo pa bang tumayo?" Meilin ask. Unti-unti kong ginalaw ang katawan ko. Tinulongan naman ako ni Mhayeen na makatayo.
"Sub muna!" Suggest ni Meilin. Umiling-iling ako.
"No! Kaya ko!" Wika ko at tumayo na, hindi iniinda ang sakit ng katawan.
"But Mizuki!" Nilingon ko si Meilin na nag aalala ang ekspresyon.
"Im fine. Dont worry" sagot ko at nagtungo na sa may free throw area.
Bakas ang pag tutol sa bawat muka ng mga ka-team ko pero hindi ko na sila pinansin ang sinalo ang bola na pinasa sakin ng referee. Kaya kong mag laro. Kaya ko to at kakayanin ko. Para sa Team namin.
I can't afford to lose this game. Not just to win, but to prove everyone that I'm not that useless. I will rise and win this game and prove myself!
Shinoot ko ang dalawang free throw at nag umpisa na ulit ang laro. Nasa kalaban ang bola at kasalukuyan kong binabantayan si Fiona, nakay Leira ngayon ang bola.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.