Kabanata 2

95 8 0
                                        

••••

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa dito sa loob ng hospital room ni Theo habang siya ay payapang natutulog sa hospital bed niya.

Na-release na nga pala ako kanina pa since wala namang malalang injuries sakin. Si Theo ay bukas pa daw ang labas niya, at dahil wala din naman akong mapupuntahang ibang lugar ay dito nalang muna ako sa hospital room niya.

Napabuntong hininga nalang ako nang marealize ko na hindi pa ako nakakapag palit ng damit. Naka-uniform parin ako at ang dumi-dumi pa nito dahil nagpagulong-gulong lang naman kami sa lupa kagabi. Tsk!

Subukan ko kayang umuwi muna para makuha ko ang mga damit ko? Pero paano ako uuwi? Wala akong dalang pera. Yong bag ko, hindi ko alam kung nasaan na. Yong cellphone ko?

Kinapa-kapa ko ang bulsa ng palda ko at laking pasasalamat ko at nandito pa ang cellphone ko. Wala man lang kahit isang message mula sa mga magulang ko, patunay na wala nga talaga silang pakialam sakin.

Nanikip muli ang dibdib ko nang biglang magbalik sa alaala ko ang gabing narinig at nalaman ko ang katotohanan. Sa lahat ng sakit na naranasan ko, ito ang pinaka masakit. Ang malamang, hindi pala ako totoong anak ng mga tinuring kong tunay na magulang. Nabigyang linaw ang lahat sakin. Kung bakit wala silang pakialam sakin. Kung bakit wala akong maramdamang pagmamahal mula sakanila.

Sobrang sakit para saakin. My whole life is a mess. 

"Tss. You're crying again" Gulat akong napalingon kay Theo ng bigla siyang nagsalita. Mabilis kong pinalis ang luha kong tumulo na pala.

"A-akala ko tulog ka?" Tanong ko. Nakatagilid siya ngayon at nakaharap sakin habang nakatitig ng mariin. Naramdaman kong bumilis ulit ang tibok ng puso ko na may kaakibat na kakaibang init.

"Naalimpungatan ako sa lamig. Bakit hindi kapa nag papalit ng damit? Ang dumi-dumi mo" Wika niya. Umayos siya ng upo.

"Wala naman akong pampalit. Kukuha palang ako sa bahay, kung papayagan mo akong umuwi?" Pagpapaalam ko.

Bakit parang feeling ko, girlfriend niya ako na nag papaalam sa isang bagay na gusto kong gawin? Ay potekk Mizuki! Napaka-assumera! Girlfriend?! Naiisip mo pa talaga yan sa mga ganitong sitwasyon?! 

At tsaka gwapo niyang yan?! Hindi na ako aasang magkakagusto sakin ang mga katulad niya.

"No." masungit na sagot niya.

"B-but---"

"I'll ask Elissa to accompany you to buy your new clothes" wika niya.

"P-pero busy siya sa pag aasikaso ng bills mo, at wala nga akong pera pambili" sagot ko.

Hindi na siya nakinig sakin at kinuha niya ang cellphone niya at nagtipa dito. Maya-maya lamang ay idinikit na niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.

"Go here at the hospital. Pay my hospital bills and such. Papuntahin mo sa kwarto ko si Elissa. May iu-utos ako sakaniya" wika niya sa kausap niya sa cellphone

Napakunot naman ako. Grabe naman siya kung makapang utos! Akala mo isang hari na nag uutos sa mga alipin! Ang harsh naman ata ng lalaking ito! Mukhang hindi ata kami mag kakasundo nito.

"Just do it, and shut up" malamig na wika niya at binaba na nya ang cellphone niya.

Ay grabe si kuya! Uma-attitude! Ang sungit!

Nilingon niya ako at kumunot ang nuo niya. Tinignan ko lang siya ng may pagtataka.

"Tsk, what are you staring at?" Tanong niya.

Ay ang sungit talaga! Daig niya pa ako mag sungit kapag mag regla!

"W-wala. Wala naman." sagot ko at nag iwas na ng tingin. "Feelingero.." Bulong ko.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon