• • •
"Pagod na akooo!" Bungad ni Rui sakin, kakadating ko lang dito sa dance studio kung saan sila bumu-buo ng steps para sa dance competition.
"Oh, tubig" Inabot ko sakaniya ang mineral water na dala ko at mabilis naman nyang kinuha at ininum ito.
"Thank's" Wika nya at ngumiti.
"Kamusta ang training?" Tanong nya sakin. Galing kasi ako ng court at nag training kami ng basketball, si Saru ulit ang nag train samin while si Rui ay kasama ng ibang dancer at bumubuo sila ng steps.
"Okay lang, nakakapagod." Sagot ko.
"Haaays! Same! Pero buti nalang at hindi mahirap pakisamahan tong mga kasama ko. Ikaw ba? Hindi ka naman ba binubully nung mga ka-team mo?" Tanong nya. Umiling lang naman ako at ngumiti.
"Hindi naman. Mababait sila" Sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon. Tara na, mag lunch na tayo, gutom na ako" Aya naman sakin ni Rui at naglakad na kami palabas ng dance studio.
Nang nasa pinto kami ay nakasalubong namin si Saru.
"Hey, Mizuki, Rui" Bati nya samin at ngumiti. Ngumiti lang din naman ako.
"Yow, Saru! Nag lunch kana? Gusto mo sumabay samin?" Wika ni Rui.
"Tamang tama, papunta na din ako sa canteen. Tara, sabay na tayo" Sagot ni Saru. Binalingan nya ako ng tingin at ngumiti. Medyo napatigil naman ako at napatulala sa muka niya.
Bakit ang gwapo naman niya?
"Bakit ka naman namumula dyan Mizuki?" Biglang puna sakin ni Rui kaya nabalik ako sa reyalidad.
"H-Huh? Ah w-wala! Mainit kasi" Sagot ko at umiwas ng tingin. Naningkit ang mata ni Rui.
Nagtungo na kami sa canteen kasama si Saru at sabay kaming nag lunch. Habang kumakain kami ay panay lang ang pag uusap nila Rui at Saru tungkol sa mga steps na bibubuo nila.
"Tama! We're going to make a surprise sa bandang gitna para may pasabog" Wika ni Rui. Tumango-tango lang naman si Saru.
"Pero ano ang pakulong gagawin natin?" Tanong niya kay Rui. Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa pag uusap nila.
"Hmm.. I don't know.. Humingi nalang tayo ng advise kay Ms.
Xavianna" Suggest ni Rui. Inayos ni Saru ang salamin nya at napatingin sakin. Parang tumalon naman ang puso ko nang nagtama ang tingin namin. Ang gwapo niya talaga at ewan ko ba pero parang ang sexy nya tignan sa buhok niya. Wala naman itong kaayos-ayos or gel, simple lang na nakababa ang buhok niya at ang ibang hibla pa nito ay medyo tumatabing sa mata nya."I have an idea" Nakangiting wika nya habang nakatitig parin sakin. Grabe naman yong titig nya! Nakakatunaw! Idagdag mo pa ang ngisi nya sa labi. Umayos ako nang upo at tumikhim.
"Ano naman?" Tanong ni Rui.
"I remember that Mizuki has a hidden talent. Maybe we can use it as surprise" Nakangisi parin sya but this time hinarap na nya si Rui. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na sya nakatitig sakin.
"Mizuki? What is her hidden talent?" Nagtatakang tanong ni Rui at napatingin sakin
Napalingon ako kay Rui na ngayon ay nagtatakang nakatingin sakin.
"H-huh? Ako? May hidden talent?" Biglang tanong ko. Natawa naman si Saru.
"Come on Mizuki. Wag mong itago ang talent mo." Wika sakin ni Saru.
"Ano ba yong hidden talent mo?" Tanong ni Rui.
"Magaling siyang kumanta. Her voice is beautiful just like her" Sagot sakaniya ni Saru, nilingon ako ni Saru at kumindat.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.