Kabanata 22

21 5 0
                                    

• • •

[ THEO'S  ]

Naglalakad ako pabalik sa may pool area nang biglang humarang sa harap ko si Saruhiko. Seryoso ang muka niyang nakatingin sakin.  

"Can we talk?" 

"Why?"

"May itatanong lang ako" Wika niya. Seryoso parin ang muka niya.

Hindi ako sumagot kaya nag patuloy lang siya.

"Why are you protecting her? What is your reason? Alam kong pareho lang tayo ng misyon, pero bakit pinapatagal mo pa? Alam mong kaarawan na nya ngayon, alam mo ang mangyayare sa kaniya"

I clenched my jaw because of the irritation.

"Alam ko. Pero po-protektahan ko siya hanggang dulo" Matigas na sagot ko. 

"Kapag pinatagal mo pa ito, mas lalo lang siyang mahihirapan. Hanggang kailan nyo siya balak itago?"

"Hindi ko alam.. At wala ka nang pakealam!" 

"D-Do you love her?" I look at his eyes and i saw pain in it. 

"How about you, you love her right?" I asked back.

"Yes.. That's why I am doing this" I laugh. Yong tawa na nang aasar. Nakita kong umigting yong panga nya.

"Doing what? Trying to kill her, tulad ng ginagawa ng iba? How can you kill someone you love? Paano mo nalalabanan ang konsensya mo na pumatay ng isang inosenteng babae?" I asked in a sarcastic tone. He balled his fist.

"You don't know anything, Theo."

"You don't know anything too. Saruhiko" Nanggagalaiting wika ko.

Huminga siya ng malalim at parang kinakalma niya ang sarili niya. Ganon din ang ginagawa ko dahil kapag hindi ko kinalma ang sarili ko baka masapak ko na ang muka ng lalaking ito.

"Stop hindering our plan" Seryosong wika niya. I smirk.

Magsasalita pa sana ako nang biglang tinawag ni Lucifer ang atensyon ko. Mabilis kong iniwan si Saruhiko at lumapit kay Lucifer.

"I thought you're with Mizuki" Parang kinakabahang wika nya. 

"I'm not. Lumabas ako saglit dahil tumawag sakin si Elissa." I can see tension in his face.

"Wala siya sa loob at sa pool area, s-so I thought she's with you" Nag simulang gumapang ang kaba sa aking dibdib.

"Hindi mo siya kasama?" Dahan-dahan siyang umiling.

Fvck!

Mabilis akong nagtungo sa pool area at tama nga si Lucifer, wala nga sya duon, hindi siya kasama ng mga kaibigan niya.

"Look around the house" Wika ko. Pero ilang segundo na ang nakaraan hindi parin gumagalaw sa tabi ko si Lucifer.

"Lucife--" natigil ako sa pagtawag sakaniya nang makita ko ang ekspresyon nya. Parang takot na takot.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon