...
"Naglalampungan pa pala sila kaya hindi sila makadating-dating"
Bigla kaming nakarinig ng boses na nanggagaling lang sa likod namin ni Theo kaya agad kaming napalingon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Rui. Nakahalukipkip sya habang nakasimangot na nakatingin samin, sa gilid nya ay si Saru. Tahimik lang siyang nakatingin sakin kasama na din pala nila si Chopper.
"Ang akala ko ay naligaw na sila" Wika ni Chopper.
"RUI!!!" Excited na sigaw ko at mabilis na tumakbo papalapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.
No one knows how much I miss him! Kahit araw-araw kaming nagkikita sa school, hindi ko pa naman alam na magkambal kami dahil di pa nagbalik ang memorya ko. Pero ngayon na nagbalik na ang alaala ko, duon ko narealize na sobrang close pala kami dati. So I miss him, I miss how much we're close to each other before, I miss how we laugh, we talk, and many things that we always do.
Naramdaman kong hindi siya agad nakagalaw at parang nagulat pa siya sa ginawa ko, pero unti-unti ko namang nararamdaman ang kamay niyang yumayakap pabalik.
"Ilang araw lang naman ata tayong hindi nagkita, namiss mo na ako agad?" Biro niya. Kumalas na ako sakaniya at hinarap siya.
"Yeah. I miss my twin" sagot ko habang nakangiti. Napangiti din siya.
"Ofcourse I miss you too!" Sagot niya at pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. Napadaing ako sa sakit kaya pinalo ko siya sa braso. Natawa lang naman siya.
"Look at you. You're so beautiful in your Goddess form." Puna niya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam ang isasagot kaya napangiti nalang ako.
"Tara na at baka naghihintay na ang Reyna" Singit ni Saruhiko.
"Oo nga pala. Let's go!" Aya ni Rui. Nilingon ko si Theo na tahimik na sumunod samin, kasabay nya ang alaga nyang si Chopper.
Nagulat naman ako ng dire-diretso si Saru duon sa may malaking puno. Pumasok siya dun at bigla siyang nawala. Napansin naman ni Rui na medyo napatigil ako.
"Saru can make portals, that's one of his ability" Wika ni Rui. Napatango nalang ako. Pumasok kami duon sa may malaking puno at sa isang iglap nagbago ang buong paligid. Napunta kami sa isang malaking garden, sa gitna ay may fountain at sa harap nun ay malaking mansion.
"Welcome to my house" Wika ni Saru at nilahad ang kamay nya.
"Woah, this is your house? Amazing!" Puna ko. I saw saru smiled. Naglakad na ulit kami papasok.
Pinag buksan naman kami ng mga tagapag silbi niya at iginiya niya kami sa may living room. Ang ganda ng interior design! Pang sinauna at aakalain mong nasa loob ka ng museum, nagtataasang mga pader, mga paintings at mga magaganda at naglalakihang Chandelier.
Sa gitna ay may magarbong sofa, may dalawang babaeng nakaupo dun. Nang Makita nila kami ay sabay silang napatayo, napatigil ako nang makilala ko sila. Yong isa ay si Prinsesa Cytheria, at yong isa naman ay walang iba kundi ang hinahangaang Reyna sa Ionia.
"Reyna Xavianna" Bati ni Saru at yumuko ito sa harap ni Reyna Xavianna. Ganon din ang ginawa ni Rui at Theo. Yumuko na din ako sa harap niya.
"Raise your heads now." Wika niya. Her voice are firm at kitang-kita sa Aura nya ang authority na dinadala niya. Kahit hindi man nya suot ang korona nya at parang simple lang ang kasuotan niya, makikita mo parin sa paraan ng kaniyang pananalita at mga kilos niya na isa siyang Reyna.
Naghari ang katahimikan sa pagitan namin, nakatitig lang sila Reyna Xavianna at Prinsesa Cyhteria sakin na parang inaanalisa nila ang buong pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasíaMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.