Kabanata 11

36 5 0
                                    

• • •

Pagpasok na pagpasok ko palang ng gym ay halos mabingi na ako sa hiyawan ng mga studyante na nandoon. Isang linggo na ang nakaraan at ngayon na nga ang umpisa ng Sports Fest. Kaninang umaga ang opening remarks at after nun nag simula na ang iba't ibang mga laro. Ngayon naman ay Basketball ang gaganapin, at ang team namin ang lalaban. Basketball for boys muna ngayong umaga at mamayang hapon pa kami.

"Grabe ang iingay" Reklamo ni Farrah. Ka-team ko siya at kasama ko sa basketball.

"Para silang nakakita ng mga artista eh tayo lang naman tong nag lalakad" Natatawang sagot naman ni Cassie. Kumaway-kaway pa sya sa mga tao na akala mo ay sya ang pinag sisigawan.

"Kahit kelan talaga napaka-feelengera mo" Natatawang sagot ni Mhayeen.

Nagtawanan nalang kami. Kasama ko ang ibang mga ka-team ko sa basketball. Sa isang linggong pag sasama namin ay naging close din ako sakanila, tulad ng sabi ko, mababait sila. College na sila, iba't ibang mga year level. Kilala nila ako dahil ako ang sikat na target ng bullying sa school na ito pero never daw silang sumang ayon sa pang bu-bully sakin. Im glad dahil kahit papaano meron parin palang mga babae ang gusto akong kausapin at kaibiganin.

Nang makarating kami sa bench namin agad na sumalubong sakin si Rui.

"Mizukiiii!" Wika nya. Naka-suot na sya ng jersey at masasabi kong ang hot nya sa suot nya. Kitang kita ang nakakasilaw nyang makinis na balat at nai-imphasize din ang kaniyang mga biceps.

"Hoy! Natulala ka sakin?! Naga-gwapohan ka sakin noh?! Nakuu bawal yan!" Natatawang wika nya. Kumunot ang nuo ko at inirapan ko siya

"Edi wow" Yon lang ang naiusal ko. Natawa naman siya.

"I-cheer mo ako mamaya ah." Wika nya.

"Madami ka namang taga-cheer oh" Sagot ko at tinuro ko ang mga nasa likod namin. Yong mga babaeng sobrang ingay at kanina ko pa naririnig na sinisigaw nila ang pangala ni Rui. Napansin ko naman na napangiwi si Rui.

"Pero iba parin pag sayo galing!" Sagot nya at kumindat pa.

"Ewan ko sayo Rui!" Sagot ko at natawa. Kinukulit lang ako ni Rui nang biglang mas umingay pa ang mga studyante at mas naging wild sila.

Kapwa naman kami napatingin sa bungad nang gym at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Theo na nag lalakad kasama ang kaniyang mga ka-Team. Dumiretso sila sa kabilang bench. So sila ang makakalaban ng Team namin?!

Alam kong Red team ang kalaban namin pero diko alam na nasa Red team din pala si Theo!

"Guys! Come here!" Tawag ni Saru sa mga ka-team niya kaya napalingon din ako. Naka-suot na din sya ng jersy at may naka suot sakaniya ngayong sports head band sa ulo nya para hindi sumagabal sa muka nya yong medyo mahaba nyang buhok. Nakasuot parin sya ng salamin at aaminin kong ang gwapo nya din ngayon.

"I-goodluck mo naman ako! Mag sisimula na kami!" Biglang singhal sakin ni Rui. Napatingin naman ako sakaniya at naka-pout pa sya na parang bata. Natawa lang ako.

"Good Luck!!! Please do your best!" Wika ko. Ngumiti naman na siya at tumakbo na papalapit kina saru.

Ang gaan gaan talaga ng loob ko kay Rui. Para ko na syang kapatid.

Nagsalita na yong announcer at sinabing mag sisimula na ang laban. Magkaharap na ngayon ang magkabilang kuponan at ramdam ko ang tension sakanila lalo na sa dalawang magkaharap ngayon.. Si Saru at Theo.

Narinig kong pumito na ang referee at nag simula na silang mag jump ball. Agresibong tumalon si Theo at sya ang unang naka tapik sa bola, nang palanding na ito ay nakita ko kung paano mabilis na tumakbo si Rui at naagaw nya ang bola sa kalaban. Narinig ko ang hiyawan at tilian ng mga babaeng nasa likod ko.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon