Kabanata 17

26 5 0
                                    

• • •

Another day, Another mystery to unfold.

Naglalakad ako ngayon sa corridor papunta ng locker. Ilalagay ko lang sa locker ko ang mga gamit na dala ko pang palit mamaya dahil mamaya na ang Grand Finals ng Women's basketball. Friday na ngayon at bukas na ang last day ng sports fest at bukas na din ang Dance competition.

"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ah!" Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang may nag salita sa gilid ko.

Sinamaan ko naman ng tingin si Rui.

"Bat kaba nang gugulat?!" Inis na wika ko. Sumabay naman sya sa paglalakad.

"Hindi naman ako nang gulat ah?" Painosente pa nyang sagot. I just rolled my eyes on him.

"San ka pupunta?"

"Locker" tipid na sagot ko.

"Ikaw saan ka pupunta?" Tanong ko din.

"Wala. Sasamahan ka?" Patanong na sagot nya. Nakarating naman na kami sa locker kaya nilagay ko na duon ang mga gamit na dala ko.

May bigla naman akong naalala kaya hinarap ko si Rui at sinara ko na ang locker ko.

"So! Kamusta naman na pala kayo ni Meilin?" Nakangising tanong ko. Kumunot naman ang nuo nyang napatingin sakin.

"What do you mean?" Tanong nya.

"You know.. About you and Meilin? Ano nang status nyo?" Pang e-echos ko pa. Nag simula naman na akong maglakad ulit and this time patungo na ako ng canteen. Nandun kasi sila Cassie.

"W-Wala naman ah." Sagot nya at nag iwas naman sya ng tingin.

"Anong wala? Ang daya naman nito. Akala ko ba bestfriend mo ako, bat dika man lang mag share sakin?" Wika ko sa nagtatampong tono at ngumuso pa.

"Wala nga kasi talaga"

"So ano yong kiss nyo? Wala lang din yon?"

Napakamot naman sya ng ulo.

"Yeah, it's just a prize?" Sagot nya. Kumunot naman ang nuo ko. Sa inis ko nabatokan ko siya.

"Aray naman mizuki! Bat ka nananakit?!" Nagmamaktol na wika nya.

"A kiss, just for a prize?! Gago kaba?! You're worst!" Inis na wika ko.

"I just did that because she did her best to win that match, and i think she deserves a kiss from me because you know.. she likes me, right?" Tanong nya. Mas pinanlisikan ko sya ng mata.

"Ginawa mo yon dahil lang don? Hindi dahil gusto mo din sya?" Inis na tanong ko.

"I like her too" Sagot nya. Nanlaki ang mata ko sa inamin nya.

"REALLY?!" Di makapaniwalang tanong ko.

"Ano ba! Kung makasigaw ka naman eh!"

"You like her too! Aaminin mo din naman pala sakin! May pa-prize, prize ka pang nalalaman jan!" Singhal ko habang natatatwa.

"But that doesn't mean na may something na saming dalawa. Walang namamagitan saming dalawa" Wika nya na nakapag patigil sa pagtawa ko.

"Eh ano?"

"Nothing"

"You like her, and she likes you. The feeling is mutual, why dont grab the chance diba?" I ask. Bumuntong hininga siya at tumingin ng seryoso sakin.

"Hindi naman porket gusto namin ang isa't-isa ay required ko na siyang ligawan. Isa pa, hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. May mas mga importante pang bagay ang dapat kong unahin sa mga panahong ito" Sagot nya.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon