Kabanata 33

18 4 0
                                    

. . .

Isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa di kalayuan mula dito sa tinitigilan ng karwahe na aking sinasakyan. Maliwanag ang sinag ng buwan kahit na kalahati lamang ito. Nandito kami ngayon sa loob ng terirtoryo ng Noxus, at tulad ng napag-planohan, inatake na ng Ionia ang kaharian ng Noxus.

Ang ilang mandirigma ng Ionia ay nauna nang umatake sa harap ng palasyo ng Noxus na pinamumunoan ni Saruhiko, habang ang ibang konseho at sila Rui at ang reyna ay nakatigil parin dito sa di kalayuan kasama ko para di kami agad makita.

"Maiiwan ako dito kasama mo, kapag umalis na sila." Mungkahi ni Theo. Kasama ko siya ngayon dito sa loob ng karwahe. Nasa tapat ko lang siya at taimtim na nakatitig sakin. Binaling ko ang tingin ko kay Taiga sa tabi ko na alerto lang na nakikiramdam sa paligid.

"Kung ganoon, lalabas lang tayo kapag nagpakita na ang Hari." Mungkahi ko. Hinawi ko ang kurtina at dumungaw sa labas.

Mula dito, tanaw ko ang kalakihan ng palasyo ng Noxus. Hindi maipagkakaila na hamak na mas malaki nga ito kesa sa palasyo ng Ionia. Sa harap ng matayog na palasyo ay ang napakadaming mandirigma, mga pagsabog at lumilipad na pana ang aking nakikita mula rito. May ibang mga ilaw din na hula ko ay galing sa mga mahika ng ibang nilalang.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang ingay ng mga karwaheng nasa malapit lang samin ng biglang may kumatok sa pinto ng karwahe namin. Mabilis na tumayo si Theo at binuksan ang pinto.

"Tutungo na kami sa digmaan, maghintay lamang kayo ng aming hudyat." Si Rui habang seryosong nakatingin kay Theo. Tumango lamang ito saking kambal. Mabilis akong tumayo at lumapit sakanila.

"Rui! Mag iingat kayo." Mungkahi ko. Bumaling naman sakin si Rui, his expression becomes soft and he slightly smiled.

"I will." Sagot niya. Lumapit pa ako kay Rui at niyakap ko siya. Naramdaman ko din ang pagyakap niya sakin.

"Mag iingat kayo ng reyna." Dugtong ko pa. Naramdaman kong tumango-tango siya.

"Wag kang mag alala samin, Axilla. Kaya namin ito, kaya natin ito. Maipapanalo natin ang laban na ito." Bulong niya sakin. Napangiti nalang ako. Kumalas na siya sa yakap.

"Mag hihintay ako sa inyong hudyat." Tumango lamang siya at nag paalam na. Nakita ko na ang kanilang karwahe na patungo na sa lugar kung saan nagaganap ang labanan.

"Why don't you try to absorb me, while we wait here?" Napalingon ako kay Taiga na maayos nang nakaupo. 

"Sige.. Susubokan ko." Sagot ko. Umupo na ako sa tabi ni Taiga. Sinarado naman na ni Theo ang pinto ng karwahe at bumalik na din sa pagkakaupo sa tapat ko.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at nag concentrate na. Itinapat ko ang dalawa kong kamay kay Taiga. Unti-unting nag iinit ang mga palad ko at unti-unting lumalakas ang ihip ng hangin sa loob karwahe. Bumibilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman ko na din ang kaunting pwersa sa katawan ko ngunit agad akong napaatras at napasigaw ng maramdaman ang kakaibang kuryente na dumaloy saking buong katawan.

Nagmulat ako ng mata at habol-habol ko ang aking hininga, nadatnan kong bumubuntong hininga si Taiga habang si Theo ay nakatayo na at nakaalalay sakin.

"Your body is still not compatible with the mana that I am bearing.." Si
Taiga at lumingon sakin.

"Then what should I do?" 

"You need to control your whole power within you first, so that you can control your whole power when you already absorb me." Paliwanag niya.

"But I can control it already! Nag sanay kaming mabuti." Sagot ko. Umiling naman si Taiga.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon