. . .
Panibagong linggo nanaman at panibagong pagsasanay nanaman ang aking gagawin. Itinigil muna ng Reyna ang aming pagsasanay, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa na-absorb ang aking brachiosaurus.
Ayon sakaniya, baka may komplikasyon daw saking katawan dahil naging tao ako nung nasa mundo pa kami ng mga tao, baka nag a-adjust pa raw ang katawan ko sa mga mahika. Kaya ngayon mag sasanay ulit ako sa pag gamit ng mahika.
"Handa na ba ang Prinsesa?" Rinig kong tanong ni Kerberos. Pababa palang ako sa grand staircase at probably nasa living room sila.
"Pababa na po, Prinsipe" Sagot ng isang taga pag silbi.
"Oh, nandyan na pala eh" Puna naman sakin ni Morphus nang namataan ako na pababa na.
"Magandang Araw, Prinsesa" Agad na bati ni Triton at pumwesto sa baba ng hagdan at inilahad sakin ang kanyang kamay para alalayan ako.
"Shall we go?" Tanong ni Kerberos. Tumango lang naman ako at nag umpisa na kaming magmartsa palabas ng palasyo. Silang tatlo nila Kerberos, Triton at Morphus ang kasama ko sa pagsasanay.
Sa ilang linggo na pamamalagi ko sa kahariang ito ay napag-alaman kong sina Morphus at Triton ay isa din saking mga pinsan tulad ni Kerberos. Ang kanilang mga magulang ay namatay nuon sa malawakang gyera.
Sa labas ng palasyo ay nakita ko ang isang karwahe at dalawang puting kabayo.
"Saan tayo patungo?" Tanong ko kay Triton. Nilingon niya ako at ngumiti.
"Sa Dagat kanluran. Ito ay malapit lamang sa palasyo. Duon tayo mag sasanay" Paliwanag niya.
Dagat kanluran? Iyon ba yong dagat na pinuntahan namin ni Theo nung isang gabi?
"Dito ka sumakay, Prinsesa" Wika ni Kerberos. Nakatayo sya sa pinto ng magarang karwahe at naka lahad na ang kamay niya sakin. Ibinigay naman ni Triton ang kamay ko kay Kerberos.
"Si Kerberos ang makakasama mo sa karwahe, kami ni morphus ay gagamit nang aming kabayo." Wika ni Triton. Tumango lang ako sakaniya at sumakay na kami ni Kerberos sa karwahe. Hindi din nagtagal ay umandar na kami. Nasa tapat ko si Kerberos at malayo ang tingin niya sa bintana.
Napagtanto ko na nung huli naming pagkikita ay naiwan siya kasama ni Elissa. Ano kaya ang nangyari non? Nacu-curious tuloy ako. Nag aalala din ako kay Elissa, kahit papaano kasi naging mabait sya sakin nuon.
"K-Kamusta si Elissa? Nuong iniwan namin kayo sa lawa, a-anong nangyare?" I ask Kerberos. Agad naman syang napalingon sakin. He shifted his position at parang naging balisa.
Ilang minuto ang nakalipas ngunit wala akong narinig na kasagutan. Mukang wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Napabuntong hininga nalang ako at nanahimik.
"I didn't hurt her." Wika nya na nagpalingon sakin.
"She's fine" Dugtong nya at nag iwas ng tingin. Tumango lang ako.
It took him 5 minutes to answer tapos iyon lang ang naisagot niya? Parang masyado nya atang pinag isipan. Mukang ayaw nyang pag usapan ang tungkol duon kaya hindi nalang ako nag tanong pang muli.
Hindi din nagtagal ay tumigil na ang karwahe, nagbukas na ang pinto at nag aabang na duon ang iilang mga kawal na kasama sa paglalakbay.
Naunang bumaba si Kerberos at inalalayan niya naman ako.
Pagkababa ko ay bumati ang malakas na hangin saking muka dahilan ng pagsabog ng aking buhok. Naramdaman ko na din ang mga buhangin saking paanan at ang pamilyar na tunog ng alon.
"Ito ang dagat kanluran na sakop ng kaharian ng Ionia" Wika ni Kerberos.
Kung nuon ay namangha na ako sa ganda ng dagat pag gabi, mas lalo lang akong namangha ngayong maliwanag at maaliwalas ang lahat. This beach is a paradise. Kumikislap ang tubig sa sinag ng araw dahil sa sobrang linis nito, maging ang dalampasigan ay walang mga dumi. Puting-puti ang buhangin na parang gatas. Nag gagandahan din ang mga limestone sa di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.