Killer's POV [Flashback]
Naglalakad ako para mag libot noong first day ng school. Bigla akong napadaan sa pinaka kinatatakutan nilang room. Ang T.L.E. Laboratory. Meron daw kasing multo dito. May narinig ako na iyak. Isang iyak ng bata. Hindi ako natakot na sundan ang tinig na narinig ko. May nakita ako. Isang batang babae. Nakaupo siya at nakayuko habang hawak ang opposite knee niya. Umiiyak siya. Nagulat ako nang unti-unti siyang lumingon at tingnan ako. Unti unti siyang lumapit at napatakbo naman ako nang patalikod. Nadapa ako at takot na takot. May naalala ako. Ang kambal ko. Oo. Nakita ko ang kambal ko. Madaming sugat at pasa sa katawan niya. Nung una, nandiri ako pero ngayon, awang awa ako sa kapatid ko. Namatay siya dahil sa pagpatay sa kanya ng dating killer.
Killer: "Minumulto mo ba ako?" pagtataka na tanong ko na takot na takot.
: "Alam ko ikaw yan kuya." salita niya habang tinuturu niya ako. Takot lang akong napaupo sa sahig.
Killer : "Kuya? What the fvck are you saying ? " Galit kong sabi sa kanya.
: " Tulungan mo ko. Kapatid mo 'ko. Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ko. Nasa classroom niyo ang kapatid ng dating killer. Please kuya. Hindi ako matatahimik. Isusulat ko sa papel kung sino iyon. Salamat kuya!" Huling paghihingi nito ng tulong sa killer ngayon. Agad namang sinulat ng multo ang pangalan non at biglang naglaho na parang bula.
Killer : "It's about time for revenge. Humanda sakin ang babaeng ito. Sasaktan ko siya!" inis na inis kong sambit sa sarili ko. Pag katapos non biglang pumasok si LAW.
LAW : "Hey anong ginagawa mo dito?" bungad niya pagkapasok na pagkapasok.
LAW : "Hey are you crying? There's tears, oh?" pagtatakang tanong nito kay killer.
: "Ah wala to! Hehe." pagrarason ko at sabay fake smile sa kanya. Hinaplos haplos niya ang likod ko.
LAW:" Kahit di mo sabihin, alam kong umiiyak ka! Punasan mo nga yan! Para ka nang bading hahaha! "pagpapatahan niya sa killer at biro na din niya. Pagkatapos non, umalis na sila sa loob at nagbasa. Umakyat na din sila pagkatapos.
At iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag laro . Gusto kong maghiganti.
End of POV & Flashback
Kinabukasan matapos ang pang yayare, naging tahimik lang ang lahat. Wala pang nangyayari sa lahat ng students maliban kay niel. Lumipas na ang 2 months Ang buong akala nila ay umuwi lang si niel. At May pangyayaring hindi nila inaasahang mangyari.
Time check:
8:06 amTime ng favorite teacher nila. Si Teacher Escris. Teacher siya ng 3-6 sa M.A.P.E.H. at filipino. Ang lesson nila ay gymnastics. At P.E. na sila ngayon dahil Thursday sila nagp-P.E. Favorite si Teacher Es ng mga students niya dahil parang tropa lang nila ito. Magaling magturo at tama lang ang pagka istrikto. Black Beauty. Mabait at tapat sa estudyante. Dati ang pangarap niya ay maging reporter ngunit wala silang pang tuition dito dahilan para mag teacher nalang.
BINABASA MO ANG
You're Next I (Re-Editing)
Mystery / ThrillerMay Isang paaralan kung saan, puno ng kababalaghan. Isang section na may tinatago, Mula sa kanilang mukhang maaamo meron din palang kademonyohan. Pero ang alam ko ay meron itong dahilan. Siya ay biktima kasama ang pamilya niya maghiganti lang naman...