Lea's POV
Ilang araw niya kaming kinulong.Pinakain niya kami ng mga tira-tira.Lagi kaming nakakulong sa iisang kwarto na makikita mo lang ay kulay itim dahil madilim dito.Ang kasama ko lang dito ay sila Michi , Rhianne at Sachi.Lagi niyang pinapamukha sa amin ang mga nararanasan ng mga kaklase namin habang wala kami doon.Lalo akong nainis nung pinatay ni Dominic yung kapatid ni Michi na si Vayne.Eto namang si Michi, umiiyak lang, di man lang gumawa ng paraan!
Nagising ako nung gabi na nagkagulo na ang mga kaklase namin sa pagkamatay ng isa pang magkambal na sila Kiroku at Kyro kasama pa si Kyla.Triple K no?Matagal nang may gusto si Kyro kay Kyla kaso mabait lang talaga siya kaya, pina-ubaya niya ito kay Kiroku.Kaya ayun, napagnasaan ng killer na ituon na si Kyro ang killer..Eto naman tong mga to, mga uto-uto, naniwala!CHILDISH!
Kenneth:"May pasabog ako bukas" paulit-ulit na nagsi-sink in sa utak ko kahapon.
~~~~~~~~~~~~~~~Throwback~~~~~~~~~~~~~
Lea:"Huy ! ... Hoy gising!" pagpapagising ko sa dalawa.Nagising naman ito kaagad.
Sachi:"Bakit?Ang aga-aga ang ingay mo!Daig mo pa ako!" sabi nito na naririndi talaga siya.
Michi:"Ewan ko sa inyo!.. Mag-usap kayo diyan." malamig na pagkasabi nito.Inabot ko yung maliit na kutsilyo na malapit sa upuan ko.Nakatali parin naman kami, As Usual.Pero i'm pretty sure na, makakaligtas ako dito!Sword User ata to!
Nang nakuha ko na ang kutsilyo, agad ko itong ikinuskos sa lubid na nakatali sa akin.
Sachi:"Huy ! Bilisan mo, malapit na siya!" sigaw nito sa akin.Lalo ko ngang binilisan ang pagtanggal dito.Nakawala na ako.Idadamay ko na sana si Sachi sa pagtakas kaso, malapit na siya kaya wala na akong time.
Lea:"Babalik ako." at tuluyan na akong umalis
~~~~~~~~~~~~~~~~~End Of Flashback~~~~~~~~~~~~~~
Kaya ito ako ngayon, lumabas sa impyernong bahay na iyon.Naghahanap ako ngayon ng pwedeng tumulong sa amin pero hanggang ngayon, WALA. Napakatagal ko nang naghahanap at halos makarating na ako sa dulo ng kagubatan na ito at ayun na nga, nakahanap ako ng 7/11.Hmm!Bibili muna ako..May pera pa naman ako ehh!
Bumili muna ako ng Big Bite na footlong then slurpee.Tsaka ako kumain sa isang table doon.Bumili na din ako ng M&M na chocolate.Hmmm!Ngayon lang ulit ako nakakain ng masarap!Puro kasi tuyo, isda, manok na prito, at kung ano-ano pa!Napaka-boring dun!
Nagulat na lang ako nang may umupo sa harapan ko.Isang matandang babae at medyo uugod-ugod na.
Manang:"Mag-iingat ka ineng!" huh? anong?--
Manong:"Merong sasabog....MALAKING PASABOG!" SABI nito at umalis na.Anong tinutukoy niya?Ahhhhhh!!!!Ngayon lang sumagi sa isip ko yung mga kaklase ko!Kaya naman dali-dali akong tumakbo pabalik doon at siyempre, nagpatulong na din ako at swerte, may telephone booth dito.Matapos kong tumawag ay tumakbo na agad ako!
Matagal din akong naglakad at sa wakas!Nakarating na ako sa Rest House.Pero siyempre, nag-iingat pa rin ako.Bigla akong nagulat nang may biglang ..
******BOOOOOMMMMMMM!!!*****
Matindi pa sa boga ang tunog nito.Wala na!Di ko na siya naligtas!
Sachi's POV
Sachi:"Hoy ! tangina mo kenneth , pakawalan mo kami dito! hayup ka!" pandadakdak ko kay kenneth.Ehh pano ba naman!tinatali niya kami sa loob ng elevator!Ayoko pang mamatay ! *sign of the cross* Ayy oo nga pala, nakatali kami!Hayy!! Jusko!
Kenneth:"Good Night" sabay ngiti sakin na mala-demonyo.Kaatar!At umalis na.
Maya-maya lang, Bumagsak ang elevator sa itaas namin!At dun na kami nawalan ng buhay.
Lea's POV
Sigurado akong, narinig yun ng mga kaklase ko.Agad kong pinuntahan ang elevator at tiningnan ang pangyayari.Di ko ineexpect na wala nang natira sa amin.Di ko lubus maisip na ito ang kahahantungan ng lahat!Tumakbo kaagad ako palabas ng hellish house na 'to!Baka kung ano pang pasabog ang keron dito!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: next UD ko is the ending na so.. hintay hintay na lang .. and mag enroll naman kayo ohh! Warzone is Teen Fiction and RomCom and Action type na story na una kong ginawa ! first time ko pong gumawa ng ganung genre so, please support it!
Title: Warzone [Enrollment]
at siyempre ako yung otor! kaya, enroll na habang maaga! Yun lang, thanks sa support ulit!
BINABASA MO ANG
You're Next I (Re-Editing)
Misterio / SuspensoMay Isang paaralan kung saan, puno ng kababalaghan. Isang section na may tinatago, Mula sa kanilang mukhang maaamo meron din palang kademonyohan. Pero ang alam ko ay meron itong dahilan. Siya ay biktima kasama ang pamilya niya maghiganti lang naman...