Hanggang sa makauwi kami sa bahay, hindi nya binibitawan ang kamay ko. Kikiligin na sa ako pero pakiramdam ko yung singsing ang hawak nya.
Binigyan nya kasi ako ng singsing kanina. Ayaw atang mawala kaya doon nakalapat ang dalawang daliri nya.
"Mahal mo pa yata yang singsing na yan kesa sakin eh." Singhal ko nang humarap ako sa kanya. Natawa naman sya. Psh!
"Gusto ko lang maramdaman ang katas ng pinaghirapan ko." At mas lalo pang lumawak ang ngiti nya. Mukang aso! Joke lang hehe.
"Lalim nun ah? Ginoogle mo 'no?" Sa pagkakataong ito, ako naman ang natawa. Siringan ba naman ako? Hahahaha. Ang arte talaga!
"Seryoso ako ha, ang hirap kumita ng pera para mabili yan." Napasimangot na naman ako. Aktong huhugutin ko ang singsing mula sa daliri ko ng hawakan nya ang kamay ko at nilagay iyon sa parteng dibdib nya.
"Wag na wag mong tatanggalin yan. Magagalit talaga ako." Naramdaman ko nalang ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano ba 'tong lalaking 'to? Masyadong nakakagulat ang mga kilos.
Muli na namang sumilay ang ngiti sa mga labi nya. Pati tuloy ako nadala. Ibinigay ko ang pinakamatamis na ngiti ko sa kanya.
"I treasure you." Bigla ay bulong nya. Binigyan ko lang sya ng kunyaring nanunuyang tingin. Inaasar ko lang hahaha. At ayun nga, nagpout na.
Ang cute!
Binitawan nya ang kamay ko habang nakasimangot parin. "Pumasok ka na nga!" Nagmamaktol na naman hahaha.
Pintalikod pa nya ako at pilit tinutulak ng mahina. "Wag mo nakong itetext o chat o video call. Bye!" Matapos nun ay tumalikod na sya at naglakad. Pero yung lakad nya mabagal halatang nagpapalambing.
Nako naman! Alam ko na yang mg ganyang kilos nyan hahaha.
"Hoy bundok!" Tumigil sya pero hindi lumingon. Napangiti na naman ako saka dali-daling pumunta sa harap nya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at marahang pinisil iyon. Ang cute talaga!
"Ang arte mo talaga!" Bulong ko din at inilapit pa ang mukha ko sa kanya. Halos maduling na sya sa lapit ko.
"I treasure you!" At ayun na nga, ngumiti na naman ang loko. Yung ngiting aso. HAHAHA
Iniyakap nya ang parehong braso sa likod ko saka ako pinakatitigan. Inilapat ko naman ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi nya.
"Sige na umuwi ka na, baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at iuwi kita sa bahay namin." Natawa nalang ako. Halos sabay kaming bumitaw sa isa't-isa. "Bye Bye!" Paalam ko ng magsimula na akong humakbang palayo sa kanya.
Malapit na ko sa gate ng bigla na naman nya akong tinawag. Tumakbo sya palapit sa akin saka ako muling hinarap na ginawa ko din naman.
Pinagmasdan ko sya nang maigi at inintay ang sasabihin nya.
"Bella, may favor ako." Hindi ako nagsalita. Inabangan ko lang ang susunod nyang sasabihin.
"Can you.." Napataas ang dalawa kong kilay sa pambibitin nya.
"What?" Mahinahong tanong ko.
Lumabot naman ang puso ko nang makita syang ngumiti na parang nahihiya.
"Can you please.."
"Say my name?"
•••
a/n: guys sorry, i decided to revise this book. not really sure kung straight narration pero ang sure ako, medyo maraming mababago. anyways, thank you sa pag-aabang palagi! sana matapos ko din ito agaaad halabyuol:))))
edit: ito po ay literal na revision from epistolary to narration kaya expect nyo na po ang apakaraming typo hehe. sorna
ps. kindly check the multimedia. full © kay skylophilia sya po nag edit non and magaling din pong writer yan. check nyo po stories nya hehet(yeOsanG) uwuuuu
BINABASA MO ANG
𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷
Fiksi Penggemar❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞ ※※※ NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING! Title Before: ❝ OWNER ❞ date started: january 13, 2020 date ended: ---