"Akila, gising na tanghali na. Ang haba na ng tulog mo! Mahuhuli ka na sa klase!"
"Akila!"
Pupungas pungas akong pilit na idinilat ang mata. Ang naka kunot na noo ni Mama ang una kong nabungaran.
"Alam mo bang kanina pa kita ginigising? Puyat ka kasi nang puyat tapos hindi mo naman pala kaya." Napabuntong hininga siya. "Ano ba kasing pinaggagagawa mo kagabi? Ewan ko ba sayong bata ka."
Napailing siya.
"Mag ayos ka na at papasok ka pa." Utos niya bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.
Nabaling ang tingin ko sa gilid ng kama.
Mapait akong napangiti. "Nakatulugan na pala kita."
Madali kong inayos ang mga nagkalat na larawan at sulat sa loob ng kahon. Matapos mailigpit ay ibinalik ko na ito sa ilalim ng kama.
Mag aalas otso na ng umaga nang makarating ako sa campus. Dumiretso na kaagad ako sa room namin.
Bubuksan ko pa lang ang pinto'y dinig na dinig ko na ang ingay sa loob ng kwarto. Ano na naman kayang pinagkaka ingay nila?
Saktong pagbukas ko rito ay napahinto silang lahat.
"Wuy, Akila! Nakakaloka ka! Akala namin kung sino na!" Gulantang na saad ng isa sa mga kaklase ko. Napasang ayon naman ang iba.
Napailing na lang ako.
Anong problema ng mga 'to? Akala mo naman may ginagawa silang masama.
"Gaya nga ng sabi ko... wala ng klase simula ngayon hanggang bukas. We only have two days para mag-practice." Pagpapaliwanag ni Vend sa harapan ng klase.
Dumiretso na lang muna ako sa upuan ko.
"Ang aga mo para sa second subject. Puyat ka, girl?" Pagsisimula ni Bea.
Napa ayos ako ng upo. "Tinanghali na ako ng gising. Hindi kasi tumunog 'yong alarm ko." Pagdadahilan ko.
Ano namang gusto niyang sabihin ko? Napuyat ako dahil naghihintay na naman ako ng himala? Naghihintay ako sa isang taong hindi na babalik, ganon?
Napa arko ang kilay niya. "Ay, akala ko may hinihintay ka?" Pang aasar niya lalo.
Napa irap na lang ako. "Ewan ko sayo. Makinig ka na lang kay Vend."
Nginisian niya ako. Napakibit balikat at umayos na ulit sa pagkaka-upo
"Nagtext nga pala si Kuya Ashton. Pumunta na raw tayo sa gym." Dagdag ni Vend habang may kung anong kinakalikot sa cellphone.
Nagsitayuan naman na ang iba at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto.
"Akila, hindi ka sasama? Baka gusto mong tumayo na dyan." Taas ang kilay na banat ni Wyn. Nakapamewang pa ito sa harap ko.
"Mauna na kayo susunod na lang ako. Dadaan muna ako sa locker."
"Dalian mo baka mapagalitan ka ni Kuya Ashton." Habol niya pa habang inaayos ang gamit. Si Bea ay nasa pinto na at naghihintay na lang.
I nodded and immediately fix myself.
Nang makaalis na silang dalawa ay bumaba na ako sa hagdan. Nasa East Wing pa kasi ang mga lockers. Samantalang nasa North Wing naman ako. Kailangan ko pang maglakad papuntang corridor ng department ng Business Ad bago ako makapunta sa locker namin. Hindi na kasi nila pinaghiwalay ang lockers ng bawat department.
Dali dali akong naglakad sa mahabang pasilyo ng East Wing. Tila pinamamahayan na yata ng multo dahil wala na gasinong estudyante rito.
Mukhang nasa practice na ang lahat ng department. Kung bakit ba naman kasi nasa East Wing ang locker! Pwede namang malapit na lang sa North Wing kung nasaan ang department namin.
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomansaGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...