Chapter 27

127 0 0
                                    

It was one of a hella week for me. Magmula noong lumabas ang picture namin sa website ay hindi na huminto ang kung sino man ang naglagay niyon. Sila Bea man ay naiinis na. Kung hindi ko lang sila pinigilan ay talagang mangingialam na sila.

I always wanted to have peace, but, people are really testing out my patience these days.

Sinubukan namin manahimik, pero talagang pursigido ang kung sino man ang may gawa niyon. Noong nakaraan ay may larawan na naman na lumabas sa website. Sa parking lot naman ng campus. Naka blurred pa rin ang mukha namin ni Chase.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Una, hindi ako pwedeng magsalita tungkol sa issue, Education ang course ko. Ang nasa isip ng lahat, santo kami. Bawal magkamali. Bawal maging isang normal na tao. Pangalawa, member ako ng cheerleading squad. Kapag nasangkot ako sa anumang gulo, baka matanggal ako sa grupo. Pangatlo, wala akong planong mag paliwanag sa mga tao ng mga ginagawa ko.

This is my life. Wala silang ambag sa buhay ko para husgahan nila ang mga desisyon ko. Higit sa lahat, wala naman akong kailangang linawin sa kanila, dahil hindi naman totoo ang kumakalat na balita.

May gusto lang talagang manira sa akin para magmukha akong masama sa paningin ng mga tao. Malaki siguro ang galit sa akin para gawan ako ng ganoong kwento. Isa pa, tiyak na isa lang naman sa mga may gusto kay Chase ang may pakana. Noong nakaraan pa kasi laging masama ang tingin sa akin ng ilang babae. Palibhasa nakita na naman akong kasama si Chase.

Ayoko rin naman sabihin sa kanya ang tungkol doon. Nitong nakaraan kasi ay parehas kaming naging abala. Siya sa kompanya habang ako sa pag-aaral at pag-aasikaso sa café. Ayoko nang dumagdag pa sa alalahanin niya. Ang magpatakbo ng isang malaking kompanya ay hindi biro.

He's a man with dignity and principles. Ayokong idamay siya sa kalokohang nadadawit sa akin. Napaka isip bata lang ng kung sino man ang naninira na 'yon.

Napabalik ako sa wisyo nang maramdaman ang mahinang pagpisil niya sa kamay ko. Nakahinto na pala ang kotse, hindi ko namalayan.

"What is it? Kanina ka pa tahimik." He asked while staring deeply at my eyes. Tila binabasa ang nasa isip ko.

I smiled weakly. "Wala, iniisip ko lang yung demo ko."

Naitago ko naman ang kanang kamay nang bumaba ang tingin niya roon. Tinanggal ko nga pala ang bracelet na binigay niya.

"Come here, sit on my lap." Saad niya habang marahan na hinahaplos ang hita ko. Ang mata'y maamong nakatitig lang sa akin.

Napailing naman ako nang maalala na meron nga pala ako.

"Ayoko. Baka, ano... uhm... malagyan ka ng dugo. I mean- I'm on my period."

Napakagat na lang ako ng labi nang makita ang nakaarko niya ng kilay.

"Sit on my lap, Georgina." Matigas niyang saad.

"That's uncomfortable, Chase. Papaling yung napkin ko." Naiinis kong sagot.

Kapag ganitong may dalaw ako ay ewan ko na lang kung hindi talaga kami magtalo. I have this mood swings that I really hate when I'm on my period. Kahit ako mismo naiinis sa sarili ko. Mainit na nga sa pakiramdam ang sakit pa sa puson.

Ilang minuto ang lumipas bago niya muli basagin ang katahimikan.

"Baby, sit on my lap... please."

Alright, that's it.

Ang rupok! Isang tawag lang ng baby! Dahan dahan na naupo ako sa kanya. Tinulungan niya naman akong makaangat. Mabuti na nga lang at hindi ako pinagpala sa height. Hindi ako mauuntog sa kotse niya. Sa pigura ko ay talagang kaya lang akong bitbitin ni Chase.

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now