"You made it.""Wake up..."
"It's time to go back home."
"Akila, gumising ka na..."
"I'll wait for you."
"Georgina, wake up..."
Ang mahinang pagyugyog sa braso ko ng kung sino ang nagpagising sa akin. Sa nanlalabong paningin, pinilit kong idilat ang mga mata. Mabagal ko itong kinusot kusot. Ang puting kisame ng kwarto ang una kong nabungaran. Agad akong napahawak sa sintido nang biglang sumigid ang sakit doon.
"Sa susunod na iinom ka siguraduhin mong maaga ka magigising, huh? Daig mo pa ang may taga alaga kapag lasing!"
Kunot noong napabaling ako sa kanya. Nagtataka kung bakit siya ang nabungaran ko. Ang masamang titig niya ang sumalubong sa akin. Nakahawak pa sa bewang ang isang kamay habang ang isa'y nasa noo nito, minamasahe.
Bahagyang napa awang ang labi ko. Naguguluhan. Akala ko si Cha...
"Good afternoon to you, too, Akila." Sarkastiko niyang saad.
"Bakit ika... why..." I thought I heard... him. Parang totoong totoo. Napailing na lang ako, natatawa sa sarili. Panaginip lang pala. "What are you saying, again?" Tanong ko na lang. Napapikit pa muli ako sa sakit ng ulo.
Mukhang napahaba na naman yata ang tulog ko. Kung anu ano na ang napapanaginipan ko. Bakit ko nga ba inasahan pa na totoo 'yon? Mukhang pati ang sarili ko dinadaya ko na. Great! Another day, another hungover. Kailan ba ako magigising na hindi sumasakit man lang ang ulo?
Napabuntong hininga siya. "Alam mo ba kung anong oras ka na nakauwi kanina?" nawawalan ng pasensya niyang sambit.
Napahinto naman ako. Pilit na inaalala kung ano nga ba ang nangyari kagabi. Nahilot ko naman muli ang noo nang maramdaman na parang mabibiyak na yata ang ulo ko sa sakit. Hindi na talaga ako iinom! Mas mabuti yatang nakinig na lang ako kay Ethan kagabi. Daig ko pa ang nakainom ng isang daang bote ng Bacardi.
"Enz, stop lecturing me, will you? Ang sakit na nga ng ulo ko rito. Tsaka, ano bang sinasabi mo dyan? Dito nga sa bahay ginanap ang party diba? Ikaw yata ang lasing sa ating da..." My forehead creased. De javu. Bakit parang may sinabihan ako niyon? Weird. "lawa." Pagpapatuloy ko. Sabay dahan dahang umayos na ng pag upo.
Napailing siya. "Damn. I didn't know you're that hopeless. Seriously, Kila? Hindi mo maalala na dumiretso ka sa bar kagabi? Alas-tres ka na ng madaling araw nakauwi!" Hindi makapaniwala niyang turan.
Naguguluhang napatitig ako sa kanya. "Anong bar? Hindi ba't nasa pool tayo kagabi? Inagaw ko pa nga 'yong ba..."
Nanlalaki ang matang napahinto ako nang mabilis na nagpasukan sa memorya ko ang mga nangyari kagabi. Mula nang matapos ang party hanggang sa paglabas ko ng kotse. Miski ang pagpasok ko sa bar. Halos malaglag ang panga ko nang maalala kung ano ang nagyari sa banyo.
"Sh...it." Oh, shit! Did I just make out with my ex boyfriends brother?! Akila!
Asar na natampal ko nang paulit ulit ang noo. Great, Georgina Akila, isa kang babaeng pinagpala! Namangka ka sa dalawang ilog! Nakakahiya! I shouldn't have done that! Dapat hindi ko sinagot ang mga halik niya!
Bakit ko hinalikan si Achilles?! Bakit ko hinalikan ang kapatid ng lalaking nanloko sa akin?! Shit! Kasalanan ng alak 'to, eh... kung bakit ba naman kasi sila magkamukha! Pati paghalik nila pareho! Pati ang yakap at...
Oh, great! I am digging my own grave. Way to go, Georgina.
"Ano, naalala mo na ba?" Napa arko ang isang kilay niya. "Para kang baliw. Tigilan mo nga iyang pagtampal sa noo mo." Saad niya saka naupo sa paanan ko.

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomantizmGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...