Chapter 11

161 2 0
                                    

I was awakened by the aroma of a strong coffee. Nasapo ko ang noo sa sobrang sakit. "Aww. Hungover sucks." Bakit ba kasi ako uminom, eh.

My forehead creased. "Kailan pa naging black ang kulay ng comforter ko?" Bulong ko sa sarili.

Nasapo ko naman muli ang noo nang sumigid muli ang sakit dito. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto.

A large flat screen tv, walls tainted in the shade of gray, and a man with a nice round buttocks standing on the balcony.

Hmp!

Masakit na nga ang ulo ko nakuha ko pang pansinin 'yon! Bakit ba naman kasi ang aga-aga nakaboxers lang siya?! Ugh!

Tumayo ako at sapo ang noo na lumakad palapit sa lalaking nakatalikod. I was about to call him nang bigla siyang humarap sa akin.

Bahagya akong natigilan nang makilala kung sino 'to.

"Chase?" I whispered.

Naguguluhang tinitigan ko siya. I thought it was... Liam. Akala ko'y siya iyong katabi ko kagabi. I even said that I love him, or so I thought? Panaginip lang siguro.

Napadako ang tingin ko sa kamay niya. He's holding a cigarette that is almost half of its length.

"I never thought that you are... smoking." Mahina kong naiusal.

Isang mariing titig lang ang isinagot niya sa akin. Ilang sandaling pagtitig pa ang ginawa nito bago ko narinig ang pinakawalan niyang malamin na pagbuntong hininga. He even threw the tube.

"Kanina ka pa gising?" tanong niya habang pinapanatili ang distansya sa pagitan namin.

Mabagal akong napailing.  "Kagigising ko lang."

He nodded before walking passed through me. May kinuha 'to sa night stand.

"Drink this. For hungovers."

I awkwardly walk beside him.

"Uhm... thank you." Sagot ko matapos makuha ang inaabot niyang tubig.

I wanted to ask him many things but the atmosphere is suffocating me. Great! We are back at square one. Ano na naman ba ang nagawa ko?

"Let's eat first." Malamig niyang tugon. Nanatili pa rin ang distansya niya sa akin.

Napatango na lang ako. Sandaling hinintay siyang makapagsuot ng t'shirt bago sumunod na sa kanya. Nang makalabas sa kwarto ay doon lang naging malinaw sa akin kung nasaan ako.

It was their house. Kung saan ginanap ang afterparty. Hula ko'y kwarto niya 'yong pinagdalhan niya sa akin. His scent is all over the room. Pakiramdam ko nga'y dumikit na rin sa akin ang mabango niyang amoy.

The whole house seems quiet. Kahit katulong ay wala akong makita. Nang makarating sa kusina ay agad niya 'kong pinaghatak ng mauupuan. Akala ko mauupo siya sa tabi ko, hindi pala. Hinatak niya ang upuan sa harap ko at doon niya piniling pumwesto.

He put some eggs and hotdogs with some fried rice on my plate. Ang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig sa pagitan namin. Halos hindi ko tuloy malunok ang kinakain ko. His cold gaze is eating the hell out of me! Pakiramdam ko'y ang laki ng kasalanan ko sa kanya, kahit na hindi ko naman alam kung ano nga ba 'yon o kung meron man.

Nang hindi na makatiis ay ako na mismo ang bumasag sa katahimikan namin.

"Stop looking at me like that." Naiinis na sabi ko. I almost rolled my eyes in annoyance.

"Looking like what?" Sagot niya habang mariin pa rin ang titig sa akin.

"Iyan! Kung makatingin ka... para akong may ginawang mali!"

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now