"Come on, Liam answer my freaking call!" I dialed his number again for the nth time.
"Shit!" Naibato ko ang cellphone sa sobrang pagkainis.
Why the heck he's not answering his damn phone?! Ilang araw ko na siyang sinusubukan tawagan pero laging operator lang ang sumasagot.
I blew an exasperated sigh.
William and I had been on and off these past few months. Halos bilang ko lang sa daliri ang mga araw ng pagkikita namin. Ang ilang beses na 'yon ay halos sa Ouro Club pa, kung minsan ay ako na nga lang ang pumupunta sa bahay nila magkita lang kami.
I was interrupted from my thoughts when the door suddenly opened.
"Akila, anak, kanina ka pa hinihintay ni Enzo sa baba." Si Mama.
I sighed for the nth time. "Pakisabi na lang po susunod na 'ko."
I saw her walk towards my vanity mirror. Inayos ko na lang muna ang bag ko. Siguradong late na kami dahil sa akin.
"Halos mapuno mo na 'tong salamin mo, ah? You should probably buy a photo album for these."
Agad napabalik ang tingin ko sa kanya.
She's now holding some of our pictures.
"I'll think about it. Mas gusto ko po kasi na nakikita 'yan ng ganyan."
She nodded. "How's William, by the way? Hindi na yata pumapasyal sa atin ang batang 'yon? Nagtatampo na tuloy ako."
Natigilan ako.
"H-he's... fine, Ma. M-marami lang talaga siyang inaasikaso ngayon." I said stuttering. May pagmamadaling inayos ko na ang bag ko.
Dinampot ko na ang gamit at naglakad palapit sa kanya. I stood beside her. Napansin kong hawak niya na ang litrato na kinuha noong nakaraang taon.
"I never did imagine that you and Enzo will be having the same circle of friends. Look! Magkatabi pa kayo ni William." She handed it to me.
William is on my right side... holding my hand. Sa kaliwa ko naman ay si Enzo, katabi niya si Kieran at Blaze. Sila Bea, Wyn, Cath, at Helena ang sumunod habang ang nasa dulo ay si Zach.
"Enzo printed this one. Lahat kami ay binigyan niya nito. Kinulit kasi siya ni Tita." Natatawang saad ko.
Sabay naman kaming napalingon sa pinto nang biglang magsalita si Enzo.
"Hey! Late na tayo."
Shit! Oo nga pala. I immediately put the picture down the table. Nagmamadaling lumabas na ako sa kwarto at sumabay na kay Enzo paalis.
Nang makarating sa school ay dumiretso na agad ako sa room.
I was about to knock when suddenly someone already open it for me.
"Oh? Akila, bakit di ka pa nagpapalit? Kanina pa tayo pinapatawag sa gym ni Sir Castillo." Si Chris.
Napakunot naman ako ng noo. "Huh? Kararating ko lang, tsaka, kay Ms. Sylvia tayo ngayon diba?" Naguguluhang tanong ko.
Napakamot naman siya ng ulo. "Absent daw kaya mauuna na si Sir. Sige na, magpalit ka na ng P.E uniform. Nauna na kasi ang iba sa gym."
I nodded as a response. Mabuti na lang at lagi akong may extra na uniform sa locker. Binaba ko na lang muna ang bag ko bago magtungo sa locker room para manguha at makapagpalit na ng damit.
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomansaGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...