"Ano ba, Enzo. Umusod ka nga roon!"
"Ikaw ang umusod! Ako ang naunang maupo rito. Chix ka, chix ka?"
"Oo! Kaya nga ex mo 'ko diba?"
"Feeling! Amp! Nabulag lang ako noon, uy!"
"Eh, kung tusukin ko na kaya 'yang mata mo nang tuluyan ka ng mabulag ngayon?!"
"Manahimik nga kayong dalawa!"
"Ito kasi!"
Napakunot ang noo ko sa ingay na narinig.
Matapos maging malinaw ang paningin, ang puting kisame ang una kong nabungaran. Sa amoy pa lang ng paligid ay paniguradong nasa ospital ako.
Sandaling napahinto ako at pinilit na alalahanin ang nangyari.
Napakagat na lamang ako sa labi. Nagkagulo nga pala sa gym. Mali... sinabunutan nga pala ako ni Ashley. Matapos siraan nauwi sa pisikalan. Sa madaling salita, napatulog niya ako.
Great! Nandito na naman ako! Am I doing the same things, again?
Maliit na gulo napalaki ko lamang lalo. Hindi ko alam kung mali ba ang ginawa ko. Nanahimik na nga ako, nauwi pa rin sa gulo. Ang labo.
Napaigik ako nang maramdaman ang dumaloy na hapdi mula sa braso.
Napuruhan niya pa yata ako. Sa haba siguro ng kuko niya ay nagkasugat na ang balat ko. Wala na bang mas matindi pa rito?
"Sa ingay niyo, nagising na si Akila!" Naiinis na wika ni Wyn kay Bea at Enzo.
Hindi naman natinag ang dalawa at talagang nagturuan pa. Napatampal na lang sa sintido ang tatlo.
Kahit kailan talaga ang hirap pagdikitin ng dalawa na 'to. Panay nag-aasaran.
Saglit lang din at lumapit na sila sa akin. Suot pa ng mga ito ang kanya kanyang uniporme ng bawat departamento. May pag-aalala na nakapaskil sa mukha nila.
Nauna naman si Catherine na maupo sa paanan ko. Samantalang ang apat ay nanatili na nakatayo lamang.
"Kamusta ang ulo mo? Masakit pa ba? Iyong sugat mo? Iyong braso mo? Iyong katawan mo? Buhay ka pa naman diba?" Dire-diretsong tanong ni Helena.
"Pwedeng paisa-isa ng tanong?" Windang kong turan sa kanya. Paano'y hindi ko na malaman ang isasagot sa dami nang nasabi niya.
"Sorry. Nataranta lang." Natatawa niyang balik.
Sabay sabay na lamang kaming napailing dahil sa kanya.
"Nasaan nga pala si Chase?" Ungkat ko.
Nang nailibot ang paningin ay wala siya sa buong kwarto. Sa naaalala ko kasi'y, bago ako mawalan ng malay siya ang huli kong nakita. Kahit na nanlalabo ang paningin ay alam kong siya 'yon.
Nagkatinginan naman muna sila bago napiling sumagot ni Bea. "Uhm. May tumawag kasi kanina sa kanya kaya lumabas siya. Pabalik na rin naman siguro 'yon." Sumangayon naman ang apat sa kanya.
Napatango ako.
Sa trabaho niya siguro 'yon. Paniguradong naabala ko pa siya dahil lang sa nangyari. Kung hindi lang siguro ako nandito ngayon ay baka nakapag pahinga pa siya nang ayos sa bahay. Kung bakit ba naman kasi dumagdag pa ako sa problema niya.
Dahan dahang napaayos na lamang ako nang upo. Ang tatlo'y agad na tumulong sa akin.
Nang makita ko ang itsura ng kamay ko ay napailing na lamang ako. Sa dami ng kalmot doon namula nang husto ang braso ko. Sariwa pa talaga ang iba.

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...