Chapter 16

124 1 0
                                        

"I'm sorry. T-this is all wrong." Mabilis akong umahon at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

Nanginginig akong napayakap sa sarili.

Oh, god. Anong nagawa ko... dapat-  dapat hindi ko sinagot ang mga halik niya. I should've... leave in the first place!

"Gina!"

Napakagat ako sa labi ng marinig ang palapit na yabag niya sa likod ko. Sa takot na maabutan niya ay binilisan ko pa ang paglakad.

I was halfway running when I felt his hand forcedly grabbed my arm. Mahigpit ang pagkakahawak nito.

"Did you just- called someones name habang hinahalikan kita?!" Galit na galit nitong tanong. Madilim ang bawat binibitiwang titig sa akin.

Napapailing ako habang pilit na binabawi ang pagkakahawak niya sa akin. "William, nasasaktan ako... bitawan mo nga ako!"

"Lalo kang masasaktan kapag hindi mo sinabi sa akin kung kaninong pangalan ang binanggit mo!" Nangagalaiti nitong sigaw. His jaw is clenching while staring darkly at me.

Napaigik ako sa sakit nang higpitan niya lalo ang pagkakahawak sa braso ko.

"I'm sorry, okay? Mali na sinagot ko ang mga halik mo! Bitawan mo na ako!" Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya. Halos lumabas na ang kanyang mga ugat sa higpit ng pagkakakapit sa akin.

"Fuck! You can't just say sorry pagkatapos mong sagutin ang mga halik ko! Don't deny it, Gina. You still have feelings for me!"

Marahas akong napailing. "Why can't you just accept that I don't love you, anymore?! Matagal na tayong wala, William! Gumising ka na sa kahibangan mo!" I shouted back.

"Then, tell me, why the fuck did you respond to my kisses?!"

Tila binuhasan ako ng malamig na tubig sa sinabi nito. Napahinto ako at agad nag iwas ng tingin.

"I-I... don't know." I whispered.

Mabagal siyang napailing. "You can't just kiss someone that you don't like, Gina." Mapait nitong bigkas.

Nangangalumatang mabagal akong napabalik ng tingin sa kanya. Hindi malaman kung ano ang isasagot. Nangangatal ang labi ko habang pilit na iniintindi ang sinabi niya.

Napapikit ako nang mariin.

This is all my fault. I should've not kissed him back! I shoud've not... fucking respond to his kisses.

Ilang segundong ang mararahas naming paghinga lang ang maririnig bago agawin ni Enzo ang atensyon naming dalawa.

"What is happening here? Bakit basang basa kayong dalawa?" Nagpalipat lipat ang nagtatakang tingin niya sa amin.

Liam's grip on me, loosened.

"Hindi pa tayo tapos." He whispered with gritted teeth.

He was mad, beyond-  mad.

Padabog niyang binitawan ang kamay ko at isang matalim na tingin ang iginawad bago tuluyang umalis.

Sa nanginginig na katawan, pinilit kong maglakad kahit na parang bibigay na ang mga tuhod ko. Sa takot? Sa pagkadismaya sa sarili? Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

I was... lost. Para akong sanggol na hindi alam kung ano ba talaga ang nararamdaman. I don't know what to do. I didn't know what to do.

Hindi ko alam kung bakit ko sinagot ang mga halik niya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko... parang may nag iba.

"What was that, Akila? Nag-away ba kayong dalawa?"

Isang naguguluhang tingin lang ang sinagot ko sa kanya bago ko siya tuluyang nilagpasan.

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now