"You're going back to the Philippines?"
Napahinto naman ako sa pagbabasa at napabaling sa kanya. Kunot ang noo nito. Ang kilay ay salubong na naman.
"Yeah, and please... paki sara muna ang pinto. Sasagap ka na lang ng tsismis nagmamadali ka pa talaga." Napairap ako. "Uso ang cellphone, Cray." Sabay lipat ko ng pahina sa binabasang libro.
Napapalatak siya. Padabog na isinara ang pinto at naupo na sa tabi ko. Gusot ang damit nito na akala mo talaga'y nagmadali na mapuntahan ako rito sa office, maitanong lang ang bagay na 'yon. Kundi ba naman tsismoso talaga ang isang 'to. Hindi nga babaero, tsismoso naman. Buti na lang gwapo. Hmp!
Nang makaayos ng upo ay pinatong niya ang kamay sa sinasandalan ko. Dahil nasa couch kami ay malaya niyang maisiksik ang sarili sa akin.
"Bakit ka pa uuwi? Paano ako rito? Tss." Maktol niya. Kinuha pa talaga ang libro na binabasa ko at asar na nilagay sa lamesa.
"Cray naman, eh! Nagre-review kamo ako!" Nangunot ang noo ko. "Bumalik ka na nga sa office niyo."
Akmang kukuhanin ko na ang libro nang kuhanin niya 'yon at mabilis na itinago sa likod niya. Pilit ko man na abutin ay hindi talaga ito nagpapatinag. Mukhang wala talagang balak na patapusin ako sa pagbabasa.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Iyong totoo, sinusumpong ka na naman ba?" Asik ko sa kanya.
Nginisian naman ako nito. "Bakit ka muna uuwi sa Pilipinas?" sabay nagtaas at baba ang kilay. "May babalikan ka, ano?"
I chuckled. Bahagya pa akong napailing. "Seriously, Cray? Sino naman ang babalikan ko roon? Kaya lang naman ako uuwi ay para mag board exam."
Matagal ko na rin naman kasing inaasikaso ang tungkol sa LET (Licensure Examination for Teachers). Matapos ang party na nangyari noong graduation ay sinimulan ko nang asikasuhin ang mga kailangan. Though, mahirap dahil nandito ako ay nagawan ko rin naman ng paraan.
Napa arko ang kilay niya. May pagdududang rumehistro sa mga mata. "Bakit hindi ka na lang manguha rito ng Teaching Certificate? Makakapagturo ka pa rin naman kahit iyon ang gamit mo rito."
Napabuntong hininga naman ako at sumandal na lang sa braso niya. "I want a license, Cray. Isa pa, nangungulit na rin kasi sila Catherine." Humahaba ang nguso kong sagot sa kanya.
"Pinapauwi ka?" Tanong niya habang pinaglalaruan na ang buhok ko.
I nodded. "Hmm. Matagal na kasi iyon... first year pa lang kami ay usapan na namin na magpunta ng Baguio. Hindi na rin naman ako uuwi sa Bataan, diretso Baguio na ang punta ko."
"Edi magtatagal ka roon kung ganon?" Napahinto siya sa ginagawa at pinatong na lang sa balikat ko ang braso.
"Not really. Uuwi rin ako agad dito pagkatapos ng board exam. Gabi na ang kinuha kong flight sa mismong araw na 'yon."
"Tss. Sumama na lang kaya ako? Isang Linggo ka ba roon?"
Napatingala naman ako sa kanya. Sa haba ng nguso ay kulang na lang dapuan ng mga ibon. Napatawa na lang tuloy ako. Mukhang alam nito na sa kanya maiiwan ang mga gawain ko rito.
"Hindi pwede. Para sa aming mga babae lang ang lakad na iyon. Tsaka, alam mo ba? Sabi nila bawal daw magsama ng boyfriend sa Baguio. Nagbe-break lang daw." Napapahagikgik kong turan.
Sumimangot naman ito. "Sweetheart, hindi naman kita girlfriend. Paano tayo magbe-break?" Seryoso niyang tanong.
Natampal ko naman ang noo ng hindi nito naunawaan ang sinabi ko. "Wala naman akong sinabing tayo! Kayo kasi ni Helena iyon! Lasing ka ba?" Sarkastiko kong saad.
![](https://img.wattpad.com/cover/214706313-288-k26760.jpg)
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomantiekGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...