Napapagurang kinuha ko sa locker ang pamalit kong pang practice. Pagpasok kaninang umaga ay nag meeting lang saglit kung saan kami dadalhing school. Agad din kaming pinapunta na roon para masimulan ang observation.
Isang beses sa isang Linggo ay kailangan makapunta kami, mga dalawang oras lang naman. Sa isang buong semester kasi ay kailangan makabuo ng eighteen hours, dahil observation pa lang.
Noong lunch break ay sa café na ako dumiretso. Sinundo ako ni Chase roon para sabay na kaming kumain. Kailangan ko rin kasing i-check 'yong bagong dineliver kanina.
Nauna na sila Bea sa gym dahil dinala ko pa sa Guidance Councelor ang excuse letter ko kahapon. Ia-approve niya pa 'yon para madala ko bukas sa mga teacher ko ang excuse slip at mapapirmahan. Ganoon ka strict ang Liberty Pumas. Walang tuition pero sa mga rules at regulations ay mas mahigpit pa sa pagkakatali ng buhok ko.
Mabilis akong nagpalit at naglakad na papuntang gym. Dala ang lahat ng gamit, pati ang kabibigay lang na FS book ay dumiretso na ako sa gymnasium.
Nagwa-warm up na ang iba nang dumating ako.
"Bakit wala ka kahapon?"
Binaba ko naman muna ang gamit bago hinarap si Kuya Ash.
"Hangover sa party. Sorry. Babawi na lang ako ngayon." Mahina kong sambit. Napapangiti pa nang bahagya.
May nakakalokong ngisi naman na lumabas sa labi niya. Ang mata'y may ibang kislap na paniguradong may ideyang nabuo sa kanyang isip.
"Party ka dyan! May nakakita sayo na kasama raw ang isang Business Ad na alumnus." Napaisip ito saglit. Tila may inaalala. "Iyong kasama mo noong meeting. Magkakilala pala kayo ni Chase?" Makahulugan niyang tanong.
Napangiti na lang ako sa narinig. Kahit kailan talaga walang nakakalusot na balita rito. Paniguradong buong Campus ay usap usapan na rin ang tungkol sa amin.
"Parang ganon na nga. Paano mo nga pala nakilala si Chase, Kuya?" Noong una naman kasi ay hindi nila pinansin ang pagsama sa akin nito. Siguro'y ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob na isatinig sa akin ang nabuong tanong sa sarili. Hindi rin siguro makalapit noong kasama ko si Chase.
"Common friends? Magazines? Consunji, ring a bell? Sinong hindi makakakilala sa kanya? Maraming pinaiyak 'yan, ingat ka." Naiiling lang siya habang nakatitig sa akin.
Nagkibit balikat na lang ako at hindi na inintindi ang sinabi niya. I already expected that. Si Enzo man ay ganon ang pagkakakilala sa kanya. But, of all people, I know him the most. He's a good man. Kahit kailan ay hindi niya pinaramdam sa akin na nagloloko siya. People are just quick to judge. Hindi man lang nila kinilala 'yong tao.
"Sige na, sumabay ka na sa warm up nila para makapagsimula na tayo."
Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya.
Pagdating sa tabi ni Enzo ay inirapan ko lamang 'to. Mula kaninang umaga ay hindi pa kami nag uusap. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino ang nagpadala nung box na 'yon.
Imposibleng si Zach o si Liam. Ano naman ang mapapala nila kung ibibigay nila kay Chase 'yon? That's just pure immature.
"Stop glaring at me. Hindi ako ang nagpadala niyon. Nakita mo naman siguro... kahit kami ay nagulat din." Bagot niyang parinig.
Nang mapabaling sa kanya ay nakaupo na siya. Nakatingin lang sa akin.
Napahinto naman ako at hinarap na siya nang tuluyan. "Wala naman akong sinasabi na ikaw. Defensive ka masyado." Napaarko ang kilay ko. "You can just tell me politely, if you're guilty. Ang lumalabas ay ikaw pa ang masama ang loob ngayon."

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomantikGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...