Chapter 26

154 2 0
                                    

Ang pagtawag ko ang pumukaw sa kanilang atensyon.

Ang secretary niya ay gulat na nakatingin sa akin. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Sa nanginginig na kamay ay agad niyang sinuot ang kanyang pang-itaas. Nang mapagmasdan nang ayos ay namumula ang mata nito na wari mo'y paiyak na.

Naguguluhan man ay lumapit pa rin ako sa tabi ni Chase. I am fuming mad, but I need to control myself. Kung paiiralin ko na naman ang galit at selos ay magtatalo lang kami.

I trust him too much, that I know he wouldn't just do things like this. Sigurado akong may dahilan kung bakit ganitong eksena ang nadatnan ko. Dahil nang makita ang pag-igting ng panga nito ay panigurado akong nagpipigil lang din siya ng galit.

Mariin akong napahawak sa kamay nito nang makalapit. His lips formed into a thin line. Ang kilay niya ay salubong din. He's definitely mad.  

"Out, now. You're fired."  Saad niya sa matigas na tono. Nataranta naman ang babae at mabilis na nakalapit sa pwesto namin.

"S-Sir C-Chase, wag niyo po ako tanggalin. Parang awa niyo na po. Pasensya na po. Wag niyo po akong tanggalin. Kailangan ko po ng trabaho." Naiiyak niyang saad. Ang mata nito ay agaran napatingin sa akin. Wari mo'y nanghihingi nang simpatya.

"Don't make me repeat myself, again. Get out."

Napahagulgol ang babae at mabilis ako nitong nahawakan. Sa gulat ay hindi ko na siya napigilan.

"Please, tulungan niyo po ako. Parang awa niyo na po, kailangan ko po ng trabaho. May sakit po ang nanay ko. Wag niyo po ako tanggalin."

Tatanggalin na sana ito ni Chase nang sinenyasan ko agad siya. Lalo lamang umigting ang panga nito nang makita ang kamay kong namumula na sa hawak ng secretary niya.

I gently squeezed his hands, making sure that I'm okay.

"Nagawa ko lang naman po 'yon dahil kailangan ko ng pera. Ma'am, parang awa niyo na po. Wag niyo po akong tanggalin."  Puno ng luha ang mata nitong nakatitig lang sa akin.

Marahan kong inalis ang pagkakahawak niya. "Lumabas ka muna. Mag-uusap lang kami." Mahinahon kong saad.

"Ma'am, parang awa niyo na po. Wag niyo po akong tanggalin." Saad niya sa garalgal na boses.

Napabuntong hininga ako. Why do people need to do these kind of things, then beg for sympathy at the end? Sometimes, I really don't understand how people thinks. Kaya nga siguro Education ang kinuha ko, para maintindihan ang ibang tao. Para maunawaan na may iba't ibang ugali ang tao. Siguro nga... kaakibat na ng pagiging isang guro ang pag-unawa sa lahat ng bagay. Kahit na ikaw mismo nahihirapan, iintindihin mo pa rin. 

"I'm sorry. Ang magagawa mo na lamang ngayon ay lumabas muna, para makapag usap kami."

Wala na itong nagawa at tumango na lang. Sapo ang mukha na tumalikod at nagsimulang maglakad.

Nang makalabas na siya sa pinto ay hinarap ko naman si Chase. Mariin ang pikit habang ang panga'y umiigting na naman.

"Can you please explain to me, what is happening here? Sosorpresahin pa naman sana kita, bandang huli ako pala itong masosorpresa." Pigil ang inis sa boses ko.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin, bago ko narinig ang malalim niyang pagbuntong hininga. Hinagilap nito ang kamay ko at marahang hinaplos.

"Masakit ba?" Tanong niya.

Mariin ko siyang tinitigan. "Chase, answer my question, first. Anong nangyari? Ano iyong nadatnan ko?"

"Let's not talk about her. She's not worth our time." Kinabig niya ako at agad na niyakap.

"So, ganon na lang 'yon? Kusa lang na nahubad ang damit niya sa harap mo? Human cctv ka lang hindi ka magician."

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now