"Kila, gumawa ka na nga ng Instagram! Ang boring ng buhay mo, alam mo 'yon?"
Inilingan ko lamang siya at inayos na lang ang registration form ko.
Isang Linggo makalipas ang naging meeting, umuwi na si Dylan at Papa. Ngayong araw din ang enrollment. Mabuti na nga lang at may biglaang meeting sila Chase, kundi, nakabuntot na naman sa akin ang isang 'yon.
Isang Linggo niya rin akong hatid sundo sa café at Campus. Nagsimula na rin kasi kaming mag practice. Mabuti na nga lang at free day ngayong araw.
"Anyway, dapat pala pupunta kami sa New Jersey noong nakaraang buwan. Dadalaw sana kay abuela, kaso, mukhang may iba na kasing dumalaw sayo." Makahulugang pagpaparinig ni Helena.
Nang mapabaling sa kanila ay titig na titig ang mga ito. Mukhang hinihintay kung ano man ang isisiwalat ko.
Mga abnormal talaga. Minsan hindi ko alam kung kanino nila nasasagap ang mga balita na 'to, eh.
"Nope, I'm not spilling the tea. Dapat kinamusta niyo na lang ang mga bahay niyo roon. Edi sana may nasagap pa kayo." Sagot ko.
Pareparehas silang napapalatak.
"Akila, naman! Wag madaya, tsaka, simula pagkabata natin nandoon na tayo. Nakakasawa na rin naman!" Napatango naman ang dalawa sa maktol ni Helena.
"Nu-uhh." Mabagal akong napailing. "Wala pa rin kayong makukuhang chika sa akin. Kung gusto niyo kay Enzo kayo magtanong." Suhestyon ko.
Mabilis silang napairap at agad nagsialisan sa tabi ko.
Natawa na lang tuloy ako.
Paniguradong puro kalokohan lang naman kasi ang sasabihin sa kanila ng isang 'yon.
Napatayo na ako. Dali dali silang sinundan.
"You know what? Kung ayaw mong sabihin sa amin. Edi gagawa kami ng paraan. We'll upload our pictures noong kabataan natin. Thanks sa idea, Akila!"
Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Bea. Baliw talaga ang babae na 'to.
I think... grade seven na kami lumipat dito sa Bataan. Ang lakas lang talaga ng trip nilang apat kaya sumama sila sa akin dito sa Pilipinas.
"Bea, siguraduhin mong maayos ang mga pagmumukha natin dyan. Sa dami ng followers mo ay baka bukas laman na tayo ng chismis!"
Natatawang tinignan ko sila ni Wyn na magbangayan. Panigurado kasing puro stolen lang ang ilalagay niya sa account niya.
Sa dami ng kalokohan namin noong nasa New Jersey kami ay hindi ko na mabilang kung ilang beses kami pinatawag sa guidance. Si Catherine kasi ang pasimuno sa lahat ng kalokohan.
Mayroong tumakas kami sa oras ng klase para lang mag mall. Nag gate crash din pala kami sa isang sikat na University. Kamuntikan pa kaming mahuli ng lady guard na hindi talaga kami nag aaral doon dahil wala kaming suot na ID.
Sa edad na labindalawa ay halos matapos na namin ang out of this world list ni Catherine. Lahat ng kalokohan na alam niya ay nagawa na namin. Mabuti na nga lang at noong dumating kami rito sa Pilipinas ay nabawasan na kahit papaano.
Saka na lang namin nakilala sila Zach noong nag high school na kami. They are friends with Enzo so we became friends, too.
"Ano guys, tayo na ba ang sasagot sa cellphone ni Akila? Nag daydream na ang isang 'to, eh."
Napabalik ako sa wisyo nang marinig ang sinabi ni Helena. Hindi ko na pala napansin na kanina pa tumutunog ang cellphone ko.
Dali dali ko itong kinuha. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag bago sinagot.

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomantikGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...