Sandali akong natigilan. Tila nagpanting ang tenga ko sa narinig. Nang makabawi ay mabilis na napa arko ang kilay ko.
"Oh... so you're still checkin' me out, Mr. Consunji?" Ganti ko sa kanya.
Nanggagalaiti na ako sa inis pero heto't kailangan ko pa rin kontrolin ang sarili. Kung hindi lang kami nasa labas at may makakita ay baka naisara ko na lang 'tong gate namin. Sa lahat naman talaga ng mabubungaran ko, bakit ito pang Consunji na 'to?! Nakakainis!
"Iyan ba ang natutunan mo ng tatlong taon sa ibang bansa?" Umigting ang panga niya habang pinapasadahan muli ng tingin ang kabuuan ko. "Ang lumabas na ganyan ang suot?" Dugtong niya.
I glared at him. "Shut up. Wala kang paki kung ano man ang natutunan ko! Pwede ba, akin na nga 'yang box na yan para makaalis ka na." Gigil kong sambit. Pinilit ko pang abutin ang hawak niya.
Isang maliit na kahon lang naman iyon. Maliit kasi sa isang kamay niya lang hinahawakan. Kung ako ang hahawak ay paniguradong kailangan ko pang gamitin ang isa pang kamay. Hula ko'y namali nang pinagdalhan ng bahay kaya napunta sa kanya.
Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng makakakuha ay siya pa at kung bakit sa lahat ng makakatapat ng bahay ni Dylan ay 'yong kanya pa! Could this day get any better?! Bakit hindi ko alam na kapitbahay pala ng kapatid ko ang ex ko?!
He sighed heavily. Dumiin ang hawak sa box na bitbit. "Ako na ang magpapasok." He tilted his head a bit. Bahagyang kumunot ang noo. Tila iba ang naging kahulugan ng sinabi. "Ng box." Mabilis niyang dugtong.
My lips twitched. May nakatagong ngiti sa labi ko. Mukhang iba na naman ang tumatakbo sa isip niya. O naisip siguro na baka may idugtong na naman akong kalokohan.
I crossed my arms. "Ibaba mo. Ako na ang magpapasok niyan sa loob..." napangisi ako. "ng bahay."
"Don't be a brat, Georgina. Wag mong ubusin ang pasensya ko." He said sternly. Lalo lamang kumunot ang noo niya. Ang kilay ay salubong na rin
Napatawa naman ako nang pagak. "At ano? Papasok ka sa loob ng bahay? No way!" Sinamaan ko siya nang tingin. "Ibababa mo ang box o iuuwi mo na lang ulit 'yan sa bahay mo?" Panghahamon ko sa kanya. Alam kong alam niya na hindi ako magpapatalo sa kanya. Lalo na't hindi naging maganda ang pagtatapos namin.
We both fell in silence. Naniningkit ang matang tinitigan ko siya, samantalang hindi naman mabasa ang reaksyon niya. Tila naninimbang lang ang tingin.
It was his typical response way back then. Ang titigan lang ako kapag may gusto akong isang bagay na ayaw niya. Maybe, I am thinking too much. Pati ang kahulugan ng bawat titig niya ay binabasa ko na naman.
Sandali pa'y ang busina ng paparating na kotse ang bumasag sa katahimikan namin.
Napalingon agad ako nang mapansin na kay Dylan 'yon. Hininto nito ang sasakyan sa tapat ng gate, malapit sa pwesto naming dalawa.
Nang makababa ay may nagtatakang reaksyong gumuhit sa mukha niya. Mabilis na naglakad palapit sa amin. Kay Chase siya unang bumaling.
"Kuya Chase, ikaw pala 'yan. Anong ginagawa niyo rito sa labas?" Nagtataka niyang tanong. Nagpabalik balik pa ang tingin niya sa aming dalawa.
Hindi naman ako sumagot at tinaasan lang ng kilay ang lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Siya ang kinakausap pero hindi man lang bumaling kay Dylan. Bastos talaga. Hmp! Isa pa 'tong kapatid ko na 'to, kailan pa sila naging close ng isang Consunji ? May patawag tawag pa ng Kuya.
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...