Sa nanlalabong mga mata ang pagbuka lang ng bibig ni Enzo ang tanging naaaninag ko. Sa lahat ng sinabi niya, kahit isa doon wala akong naintindihan. Kahit anong paliwanag niya, ayaw na tanggapin ng isip ko, ng puso ko.
I was in pain, in deep pain. Hindi ko na alam kung ano na ang nararamdaman ko. Masakit 'yong puso ko na hindi ko maipaliwanag.
Ito yung tipo ng sakit na isang tao lang ang alam kong makakagamot. Yung taong nanakit sa akin. Yung taong kailanman hinding hindi na magiging akin. Siya lang, siya lang ang makakagamot sa puso kong luhaan, durog, at napag iwanan.
Pakiramdam ko laging ako na lang ang nasasaktan. Magmamahal ako ng taong akala ko mamahalin din ako. Magmamahal ako ng lalaking akala ko kaparehas nang nararamdaman ko. Pero sa huli, matatagpuan ko na naman ang sarili kong talo. Ako 'yong iiyak, ako na naman ang nasasaktan. Kasi ako na naman ang naiwan. Dahil ako lang naman ang totoong nagmahal.
Am I really meant to be break by the badboy? Am I really meant to be break by the man that I will love? Sa tuwing magmamahal na lang ako... iniiwan ako, eh. Sinasaktan lang ako.
Hindi ba pwedeng kahit isa lang, kahit isang beses lang iparanas naman sa akin kung paano mahalin nang totoo? Iyong walang babalikan na ex, kasi ako lang ang babalik at babalikan nila. Ako lang 'yong totoong mamahalin nila. Iyong totoong totoo at walang halong panloloko.
Ang sakit lang kasi.
Through the past years, I just wanted to be someone's first choice. Pero hindi ko alam kung bakit parang ang hirap makuha ang bagay na 'yon. Ang hirap maabot ng isang bagay na kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, mukhang kailanman hindi ko na makukuha.
Hindi ko alam kung may kulang sa akin, eh. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Manatili lang siya. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin para ako naman ang piliin. Para ako naman ang mahalin.
Nakakapagod mag invest ng pagmamahal doon sa taong akala mo ginawa ka ng mundo. Iyong halos ipinaranas niya na sa iyo ang lahat ng magagandang bagay. Tapos malalaman mo sa huli, ginamit ka lang pala niya. Sa huli, iiwan ka rin pala niya para balikan 'yong taong tunay na mahal niya.
Am I that hard to love?
"Enz, may mali ba sa akin? May kulang ba sa akin? C-can you please tell me? Kasi hindi ko alam kung bakit palaging ako na lang 'yong iniiwan. Hindi ko alam kung bakit palaging ako na lang 'yong umuuwing luhaan." I bitted my lip hard. Pinipigilan ang muling pagtulo ng mga luha. "H-hindi ko alam kung bakit sa tuwing magmamahal ako... nasasakto pa roon sa taong, taong hindi kayang kalimutan ang nakaraan. Am I not enough? Hindi ba ako kamahal mahal?"
"You are more than enough, Kila. You just met them at the wrong time and love them too, blindly." He sighed heavily. Mariin ang naging titig nito. "May mga bagay na kahit anong pilit mong ipaglaban. Hindi pa rin magiging sayo."
"T-then when is the right time? Kapag twenty-six na 'ko? Kapag natapos ko na ang pag-aaral ko? I just... don't get it. All I wanted is to make him stay. Pero iniwan niya pa rin ako! Siguro... siguro hindi ako sapat, eh. Siguro may kulang talaga sa akin. Kasi... kasi... hindi ako siya. Kahit kailan hindi ako magiging siya..."
Ang tinatagong mga luha ay kusa na lang nagpatakan. Bawat patak pakiramdam ko hanggang sa pagtanda ko dala ko ang sakit na binigay niya. Dala ko 'yong sakit na inukit niya sa puso ko.
I tried to fit into his world. I ignored every signs. Iyong mga titig niya. Iyong mga biglaang I miss you niya. Iyong biglaang pagpasok niya sa buhay ko. He was labeled a badboy in the campus, yet, I didn't even acknowledge it. Kasi akala ko iba siya.
He was so good to me, too damn, good. Na halos hindi ko na namalayan na niloloko na lang pala niya 'ko.
I broke my own heart at such a young age by loving someone more than I loved myself. I give everything to him that I didn't even knew, I was also losing myself at the process. But after everything he did to me, after all the pain... I still love him, wholeheartedly.

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...