Bumagsak na ang snow kagabi kaya heto't hindi matutuloy ang pagpunta namin sa beach.
Kung bakit ba naman kasi 'yon ang naisipan niyang gawin na theme sa portfolio niya? Ano pa nga ba? Edi ang hula kong pagsusuot ng swimsuit!
Pumayag na 'kong maging model niya. Wala na rin naman akong magagawa. Isa pa, nangako kasi siya sa akin na tuturuan niya akong mag drive ng kotse. Matagal ko na 'yong hinihiling sa kanya pero ngayon lang talaga ako nito pinagbigyan. Desidido talagang ako ang kuhanan ng litrato.
Kaya heto kami sa lanai ng bahay, kanina pa nag iisip nang paraan para matapos na ang ipapasa niyang portfolio.
Nakapikit siya habang parang haring nakaupo. Hindi pa man pumapatak ang alas nuebe ng umaga ay narito na siya sa amin. Hinihintay akong gumising.
Tinapos ko pa kasi ang ilang lesson plan na ipapasa ko sa Lunes, kaya medyo tinanghali na 'ko kanina.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya habang chine-check ang ilang emails na sinend sa akin ni Papa kagabi.
Minsan talaga hindi ko rin maintindihan 'tong si Ethan, eh. Alam niya naman na pagpasok palang ng December ay magsisimula na ang pagbagsak ng niyebe. Pero gusto niya pa rin talagang ituloy ang pinili niyang tema.
"Craycray, palitan mo na lang kasi ang gagawin mo. We both know that we can't shoot right now in this kind of weather. Ayokong mag dive sa snow." Suhestyon ko.
Sabay lapag ng cellphone sa lamesa at nangalumbaba na lang sa harap niya. Sa tagal niyang mag isip ay natapos ko na ang lahat nang binabasa kong emails. Nakapag reply na nga rin ako pero heto siya't walang kagalaw-galaw simula pa kanina.
Kumunot ang noo niya. Nakataas ang isang kilay na bumaling sa akin. "Sinong nagsabing magda-dive ka sa snow?" A devilish grin appeared on his lips. "I got a better idea."
Naningkit ang mata ko. Sa pagngisi nito ay mukhang may kalokohan na naman na naisip.
"What hideous idea is that? Don't tell me gagawin mo akong VS Angels? Alalahanin mo Education ang kinuha ko hindi pagmomodelo." Sabay irap ko.
Tumawa naman siya at nakuha pa 'kong kindatan. "Trust me on this one." He tilted his head a bit. Sandaling pinasadahan ang kabuuan ko. Mapaglaro ang tingin. "Let's say... papaagahin natin ang init ng summer."
"Oh? Marunong ka na mag magic ngayon? Ay, taray! Hidden talent mo bukod sa pambababae?" Asar ko sa kanya.
Napailing na lamang siya at hinatak na 'ko patayo. Mabilisan ako nitong pinag-ayos at ginaya na sa loob ng kotse niya.
Nang sinabi nitong papaagahin ang summer ay hindi nga nagbibiro. Noong una ay hindi ko pa nakuha ang ibig niyang sabihin. Pero nang dumaan kami sa mall para mamili ng bagong mga lingerie ay may agad nang pumasok sa isip ko.
Natampal ko na lang ang noo. Bakit nga ba ako pumayag sa pakiusap niya? Bakit nga ba hindi ko naisip na isa't kalahating abnormal din 'tong si Ethan? Talagang ipipilit ang gusto. Mukhang balak talaga nitong gawin akong snow angel. Literal na snow angel!
Dahil napagkasunduan na namin ay wala na 'kong nagawa. Hindi na ako nagreklamo nang ibigay nito sa akin ang mga napili niyang gagamitin ko. Malawak pa ang pagkakangiti niya na parang batang nakuha ang gusto.
Matapos mamalagi ng ilang minuto sa VS ay lumabas na rin kami.
Hinatak naman ako nito papunta sa Supermarket. Medyo natagalan pa kami dahil kung ano-ano ang mga pinagbibili niya. Balak pa yatang bilhin ang buong tinda.
Iyon tuloy, paglabas namin sa mall ay ang dami niyang bitbit. Ayaw niya naman kasi akong patulungin. Kahit ang pagkuha ng cart ay hindi niya na ginawa. Tinatamad daw kasi siya.
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomansaGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...