Sunday came fast. Buong araw kong tinuktukan ang sarili nang maalala ang kalokohang ginawa ko sa bahay ni Chase. Sa tuwing maaalala ko 'yon ay agad akong pinamumulahan ng mukha.
Bakit ko ba naman kasi siya hinalikan?! Nakakahiya! Ako pa talaga ang nagsimula!
Napakagat na lang ako sa labi.
"Akila, napapirmahan mo na ba lahat?" Tanong ni Bea.
Kinuha ko kaagad ang clearance sa bag ko at iniabot na sa kanya. Huling araw na kasi para pirmahan ang mga ito.
"Mauna na kayo ni Wyn sa canteen. Dadalhin ko lang sa office 'to." Saad niya habang inaayos ang mga papel.
Napatango na lang ako.
Wala kasi si Vend kaya siya ang nag-aayos muna sa mga clearance.
"Aattend ka sa graduation? You know... makikinood lang. Balita ko kasi may inihandang performance ang mga candidates." Sabay upo niya sa pinakamalapit na bangko.
Umupo na lang ako sa harap niya at nilagay na ang mga binili sa lamesa.
"Hindi ko alam. Sino naman ang pupuntahan ko roon?"
"Sino pa ba... edi si Chase!"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom nang marinig ang sinabi niya.
"W-what?!" Gulat kong bigkas.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Wag mo nga 'ko ma-what-what dyan! Alam na ng buong campus yung ginawa ni Chase noong Sabado." Napahagikgik siya. "Infairness, kinilig ako!" Sabay hampas niya sa akin habang tumatawa.
"Ewan ko sayo." Nailayo ko naman agad ang sarili sa kanya nang umambang hahampasin niya na naman ako.
"Yiee! Ano, kayo na ba?" Tudyo niya.
Napairap na lang ako. "Wyn, tumigil ka nga! Baka may makarinig sayo. Akalain na kami nga!"
"Oh... bakit, hindi ba?"
"Hindi nga kasi! Issue ka naman, eh."
She was about to tease me again when she suddenly stop midway.
"Uhh... Akila, puntahan ko lang si Bea. Dyan ka na. Bye!" Mabilis siyang tumayo at dali-daling tumakbo habang dala ang tinapay na binili niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
May pakiramdam ako na kilala ko na kung sino ang nasa likod ko. Binalewala ko na lang 'to at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko.
Akala ko iiwasan niya na 'ko. Kaso... ang nangyari... ako ang pilit na umiiwas. Malay ko ba kasi kung ano ang ibig niyang sabihin roon sa sinabi niya noong nakaraan.
Sana kasi nilinaw niya diba?
"Iniiwasan mo ba 'ko?" He asked. Sabay upo sa tabi ko.
"Hindi."
"Then why the hell didn't you stop earlier when I'm calling you? Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko kahapon." Halos magpantay ang kilay niya habang nakatitig sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. "I'm... b-busy."
"Tell me... is it about the kiss?"
Napaubo naman ako. Mabilis kong kinuha ang baso at mabilis na napainom.
This brute! Pinaalala niya pa talaga!
Sinamaan ko siya ng tingin.
He just chuckled. "So, it was the kiss afterall." Napangisi siya. "I didn't know that... my baby is shy. Come on, let me give you another kiss."
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...