Sa ingay ng alarm clock ay tuluyan nang nagising ang diwa ko. Alas syete palang ng umaga pero kailangan ko ng gumising. Mula nung bumalik ako rito at nagsimulang magbantay sa café ay pina-set na ni Mama ang orasan ko.
Pikitmatang bumangon ako at nagtungo na sa banyo. Madaling araw na kasi ako naihatid ni Chase.
Pagpasok sa bahay ay purong katahimikan ang sumalubong sa akin. Mabuti na nga lang at lagi na akong may baon na susi. Hindi ko na kailangan gisingin ang ibang tao.
Bago bumaba ay kinuha ko muna ang purse. Chineck ko rin ang cellphone kung may tawag si Chase. Kadalasan kasi ay ganito kaaga tumatawag na 'yon at sinasabing nasa labas na siya. Himala nga yata at wala pa hanggang ngayon.
Pinagsawalang bahala ko na lang at lumabas na sa kwarto.
Pagdating sa kusina ay nakapagtatakang naabutan ko si Papa. Malalim ang iniisip.
Weird. Bihira kasi na alas syete ay nandito pa siya. It's Wednesday. Imposible na wala siyang pasok.
Naupo ako sa tabi niya. "What's good today, Pa? Tinanghali yata kayo ng pasok sa office?" Sabay kuha ko ng pagkain.
Nang mapatingin sa hawak niya ay napakunot ako ng noo.
Hindi ko ito napansin kanina. Pero ngayon na nakalapit na ako ay malinaw kong natitigan ang hawak niyang invitation.
"Adam and Kristoff are merging their company."
Napahinto ako sa pagkain nang marinig ang pangalan ng Dad ni William.
"O- kay? That's not new, I mean... matagal na po kayong magkakakilala diba? Enzo and William are best of friends, too."
Napabuntong hininga siya. "That's why I have this invitation. Ikaw ang pupunta kapalit ng Mama mo."
Sandali akong natigilan. Napakurap kurap ako ng ilang beses bago nakahuma.
"Seriously, Pa? Bakit ako? Nandyan naman si Dylan. Siya na lang ang papuntahin niyo. Tsaka..." My forehead creased. "Ano naman ang alam ko sa mga ganon? Nagbago na ba ang timpla ng hangin at ngayon niyo ako pinapapunta sa mga ganyang pagtitipon?"
Hindi naman sa ayaw ko pero, ang pagdalo sa mga ganoong pagtitipon ay wala sa isip ko. It's not my thing, anyway.
"Hindi makakapunta ang Mama mo, Akila. Ikaw lang ang inaasahan niya. Isa pa'y kasama mo naman si William." Tinitigan niya ako nang mariin. "You're not in good terms, I know. But have some respect to your Tito Adam. May pinagsamahan din naman kayo ni William, hija." Pangungumbinsi niya.
Gulong gulo naman akong napatitig sa kanya. Sa haba ng sinabi niya ay ang pangalan lang ni William ang naintindihan ko.
"Bakit kasama ko si William? Anong kinalaman niya sa pagdalo ko roon?"
Napahawak siya sa sintido. Marahang minasahe na parang hirap na hirap ipaintindi sa akin ang isang bagay.
"Your mom requested that. I can't do anything about it. Nang malaman ko ay madali ko siyang tinawagan tungkol dito. Pero kilala mo ang Mama mo. Kung ano ang gusto niya ay 'yon ang masusunod."
"And William agreed to this, Pa? How about Tito Adam? Kailangan ba talagang siya pa ang kasama ko? I can just go there by myself. Hindi ko kailangan ng kasama..." Napailing iling ako. "I never wanted to go there at the first place."
"Hija, calm down. Wala naman sigurong masama kung makakasama mo ang anak ni Adam. You two are good friends, anyway." Napasimsim siya sa kape. "Sa Linggo pa naman 'yon." Dagdag niya.
Naiinis naman na tinitigan ko ang hawak niyang invitation. Kung pwede lang ay punitin ko na 'to. Nagsisimula na naman si Mama na pakialaman ang tungkol sa amin ni Liam.
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...