Chapter 31

156 1 1
                                        

Umaga ng Lunes, ika-tatlo ng Agosto. Nasa hapag kainan ako habang hinihintay ang tawag ni Chase. Mag aalas otso na at wala pa rin 'to kahit isang text. Kahit tawag ay wala. Ganitong oras naman ay may natatanggap na 'ko sa kanya. Kung minsan ay mas maaga pa nga.

Imposibleng mahuli 'to dahil may trabaho pa siya. Isa pa, siya ang nagsabi na tatawag siya kung masusundo niya 'ko. Hindi naman niya obligasyon 'yon pero... sinabi niya kasi sa akin.

He'll call me. Kailangan ko lang maghintay.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko. Naka ilang baling na rin ako sa cellphone. Kagat ang labi habang pinagmamasdan ang tumatakbong oras.

Limang minuto bago tumapat sa ika-tatlumpo ng alas otso.

Dahil competition ngayon ay hindi gasinong mahigpit sa oras. Depende na lang kung kasama ka sa lalaban.

Maaga pa naman. Alas nuebe pa magsisimula ang competition. Mahaba pa ang oras ko.

Nang hindi na makapagpigil ay ako na ang tumawag sa kanya. Mariin ang pikit habang hinihintay na sagutin niya ang kabilang linya.

Bukas ang cellphone nito. Nagri-ring. Hinahayaan lang mag ring. Ilang beses ko pang sinubukan tawagan at ganon pa rin ang nangyayari. Hindi nito sinasagot ang tawag. Naiwan sigurong naka silent ang phone. Kapag ganon 'yon ay may meeting siya. Pero alam ko... naka Emergency Bypass ang number ko sa kanya. Kahit naka do not disturb ang iphone ay malalaman niyang ako ang tumatawag.

He probably forgot to call me. This is... a first time.

Paniguradong may biglaang nangyari sa kompanya nila kaya nakalimutan akong sunduin. Sa pagmamadali siguro ay hindi na ako natawagan o nai-text man lang.

Nilagay ko na lang ang cellphone sa bag. Nagmadali na akong hanapin si Manong para magpahatid. Laking pasalamat ko na hindi 'to umalis ngayon. Minsan kasi'y may inuutos si Papa rito.

Pagdating sa Campus ay hindi na magkamayaw ang mga estudyante. Bukas 'to para sa lahat ngayon. Halos mapuno na rin ng mga mamahaling kotse ang parking lot. Hindi rin kasi biro ang mga makakalaban namin na University.

Nagmadali akong pumunta sa gym. Dala ang lahat ng gamit. Nagdala rin kasi ako ng pamalit na damit. May after party kasing magaganap kung sakaling manalo man kami.  Hindi ko pa nga lang nasasabi 'yon kay Chase. Mamaya na lang siguro.

Nang makarating sa loob ng gymnasium ay halos mapuno na 'to. Marami rin kasing estudyante ang pumunta para suportahan ang pambato nila. Ang bawat kalahok ay may dalang banner, logo nila. Suot din ang kanilang naggagandahang uniform. Napuno tuloy ng iba't ibang kulay ang gym.

Nilibot ko ang paningin.

Bandang kaliwa sa gitna ay naroon ang pwesto ng grupo. Dahil kulay puti ang suot na pang cheerleading, kitang kita agad ang lugar namin. Ang pang itaas ay may logo na Pumas, longsleeve. Fitted 'to hanggang pusod namin. Ang palda ay puti, ang linings sa ilalim ay may itim na kulay. Obligado rin kaming ipusod ang mga buhok namin.

Palapit pa lang ako ay nakita ko nang kumaway sila Bea sa akin. Hindi naman na ako nagtagal at nagmadali na rin lumapit sa kanila.

Binaba ko muna ang bag sa bleachers bago tuluyang umupo. Mabuti na lang at hindi ako nahuli. Kung nagkataon ay lagot ako kay Kuya Ash. Mahaba habang sermon din ang gagawin nito sa akin.

Sandaling nag roll call muna kami, tinitignan kung may kulang pa sa amin. Ako naman na ang huling dumating kaya napanatag na sila. Inayos na lang ang make up ng bawat isa. Naituro na sa amin 'yon kaya wala ng kaso sa akin. Nagawa ko na nang maayos sa bahay.

Hindi pa man nagsisimula ang laban ay talagang nagkakaingay na. Nang maalala na nai-silent ko pala ang cellphone ay nagmamadali ko 'yong kinuha sa loob ng bag. Baka kasi tumawag si Chase.

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now