Ang tatlo ay napatango rin sa sinabi ni Catherine. Isang ngiti lang ang binigay ko sa kanila.
"Sorry, girls. He doesn't want me to drink, so..."
Bagsak ang balikat na napatitig sila sa akin. Ang mga mata'y gulat na gulat sa narinig. Si Helena ang unang nakabawi. Binaba niya muna ang basong hawak.
"Pakihawakan nga si Akila. Nilalagnat yata. Are you freaking kidding us? Ang kaibigan namin na si Georgina Akila Villanueva Fontanilla ay napapasunod ng isang Chase Consunji? Seriously?"
Natawa na lamang ako. "Sorry. Inlove, eh." Kung kanina'y balikat lang ang bagsak sa kanila ngayon ay halos buong mukha na. Ang mga mata'y talaga namang gulat na gulat sa rebelasyong lumabas sa bibig ko.
"Shut the front door! Are you effin serious?" Eksaheradang sabi ni Wyn.
Napatango-tango naman ako. Natatawa lang.
"Holy- shit? Um-order pa kayo! Let's party!" Sigaw niya sabay taas pa ng kanyang baso.
Nagtawag agad si Bea ng waiter at umorder pa ng ilang inumin. Si Catherine ay napainom na lang sa kanyang baso. Ako nama'y inabot na lamang ang juice na nakapatong sa lamesa. Inuuhaw ako sa mga kalokohan nila.
"Okay guys, calm down. Pustahan tayo pati damit niya ngayon pinalitan ni Chase." Nakangising sabi ni Catherine. Sa paraan ng pagtitig ay paniguradong nahulaan nito na nagpalit nga ako ng damit. Sa tagal na namin magkakasama ay kabisado na nila kung paano ako magdamit. This kind of dress that I'm wearing is just for some dinner dates.
"Well- pinagpalit niya nga ako ng damit. Pagkatapos ko kasi i-send sa kanya ang ilang larawan ng nauna kong suot ay nagulat na lang ako nasa labas na siya."
Nanlaki ang mata nilang apat.
"You, what? Send nudes?!"
Nahampas ko si Bea sa nasabi. Hindi pa man lasing ay bingi na. Para naman kasing kaya ko ngang gawin ang bagay na iyon. Abnormal talaga.
"Iyong nauna kong dress, nudes ka dyan! It was a black mesh top, bra lang ang suot ko sa loob."
Natawa si Catherine. "Freaking naughty!"
Nagkibit balikat na lamang ako at pinigilang matawa. Kay Chase ko lang naman kasi nagagawa ang mga kalokohan kong tinuturo nila sa akin. I hate to admit it but, yeah, sa aming magkakaibigan ay ako ang pinaka-tamed. My pabebe kind of side is always kickin' in.
"Sa susunod send-an mo ng picture mong nakalingerie habang nakahiga sa kama, tignan natin kung makapag kontrol pa 'yon."
Nagtawanan naman sila sa biro ni Helena. Si Catherine ay ginatungan pa ito. "Better yet, send him your nudes. Not on social media, try iMessage, instead."
Nasapo ko naman ang noo sa kalokohan nilang tinuturo. These girls will be the death of my virgin mind. Still, they are my best of friends. Kahit na maloloko ay hindi ko kayang mawala ang isa man sa kanila.
Kung alam nga lang nila. Sa sobrang lakas ng kontrol ni Chase sa sarili ay halik lang ang binigay sa akin noong nasa bathtub kami pareho. I wonder, gaano kaya kahaba ang pagkokontrol nito sa akin? Noong una ay napigtas ko pa, ngayong kami na ay mukhang tumibay lalo ang pagpipigil niya sa sarili.
Tinanggal naman ni Bea sa harap ko ang juice at pinalitan ng Cosmopolitan. "Try this one. Ikaw din mauuhaw ka. Mamaya ka pa namin papapuntahin sa pwesto nila."
Agad naman akong napailing. Ayoko naman na mag away kami dahil lang sa pag inom ko.
"Nope. Okay lang talaga. Baka pauwiin ako ng wala sa oras kapag nakita akong uminom, kayo rin maiiwan ko kayo rito."

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...