Mabilis kong nakuha ang cellphone sa loob ng purse dahil sa paulit ulit nitong pagring.
It was Chase, again.
Hindi ko alam kung pang ilang tawag niya na 'to. Basta't ang alam ko, kahit isa sa mga tawag niya ay wala pa akong sinagot.
Hinayaan ko na lang itong tumunog hanggang sa mawala na rin ng kusa.
Napabuntong hininga na lang ako.
It is already one in the morning and here I am with William inside a cab. He was leaning on my shoulder while his hand is on my waist. Mahigpit ang pagkakayakap.
Kahit anong pilit kong tanggal ay binabalik niya lang din. Mapapagod lang ako kaya hinayaan ko na. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana.
Tahimik na ang daan. Ang tanging makikita mo na lang ay ang mga maliliwanag na ilaw ng mga establishment.
Mula noong lumabas ng bar ay tahimik lang kami pareho. Binigay niya sa akin ang susi ng suite niya. Nakalagay sa keychain ang pangalan ng hotel. Hindi ko alam kung sinundo ba siya nila Enzo papuntang 46 Lounge dahil hindi niya dala ang kotse niya. Maybe, he did take a cab too.
It is almost a nineteen-minute drive. Bago makarating sa hotel na tinutuluyan niya.
Courtyard Marriott.
Sa kadiliman ay hindi ko na rin nakita ang ayos ng hotel. Ang malaking pangalan lang nito sa taas ang nakatawag ng pansin ko.
Pagpasok pa lang sa lugar ay masasabi mo ng maganda talaga ang amenities.
Siguro'y may indoor swimming pool din 'to. Gusto ko sanang libutin ang lugar kung hindi lang lasing itong kasama ko. Mabuti na nga lang at ang lalaki lang sa front desk ang nakasalubong namin.
Nakakahiya! William's being touchy. Kanina naman ay wala siyang kibo.
Naiinis na binalingan ko siya. "Stop it, William. Wag mong sagarin ang pagtitimpi ko."
Hindi naman siya kumibo at hinatak na lang ako papasok sa suite niya.
Ang pulang couch ang sasalubong sayo pagkapasok mo. Kumpleto sa gamit ang kwarto. The room is quite spacious. Mas malaki nga lang ang suite na tinuluyan ni Chase.
May dalawang pinto akong nakita. It would be better if both of that are bedrooms.
Binaba ko muna sa isa sa mga bangko sa dining ang jacket ko. Hinanap ko pa kasi ang tsinelas para makapagpalit muna. Pagbalik ko sa sala ay ang nakapikit na mata na niya ang sumalubong sa akin.
"William, gising. Lumipat ka na sa kwarto." Tinapik tapik ko ang balikat niya.
Nang maglakad siya ay muntikan pa siyang matumba.
Iinom inom di naman pala kaya. Napairap na lang ako.
Mabilis ko siyang inalalayan at dinala na sa kwarto. Sa isang king size bed ko siya inihiga. Tinanggal ko ang sapatos niya at saka inayos ang pagkakahiga niya.
Pababa na ako sa kama nang mabilis niya akong nahatak at naihiga. Pumaibabaw agad siya sa akin.
"What are you doing, William? Umalis ka nga!" Sa bigat niya ay kahit na anong tulak ang gawin ko, hindi ko pa rin siya kaya.
Lalo lamang niyang dinikit ang sarili sa akin na halos ramdam ko na ang paghinga niya sa leeg ko.
"Then, tell me who is that Chase, Gina." Narinig ko pa ang pagtagis ng bagang niya ng bigkasin ang pangalan ni Chase.
"He's my boyfriend now, William. Kaya please lang, umalis ka na sa ibabaw ko. Let me go, please."
"No..."
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...