Alas dyes pa lang ng umaga pero heto't naiwan na naman ako sa office niya. May meeting na naman kasi siya. Pinili ko na lang na maupo rito sa swivel chair niya at ipagpatuloy na lang ang pagbabasa ng libro. Bukod sa parating na ang midterms ay sa Lunes na rin ang laban namin.
Mabuti na nga lang at wala kaming practice ngayon. Dahil noong mga nakaraang Sabado talaga namang puspusan ang ginawa namin na practice. Pinagpahinga na kami ngayon dahil kailangan din naman 'yon ng katawan namin. Kahit papaano'y masama rin sa katawan ang sobrang pagkapagod. Isa pa'y kailangan may lakas kami sa araw ng laban.
Kahapon ang huling araw ng practice namin, bago umuwi ay nagdaos ng isang maikling pag-uusap tungkol sa nalalapit na laban. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya heto ako ngayon sa office niya at hinihintay siya.
Sa café naman ay nagdagdag na lang ako ng tauhan. Dahil sa nangyaring gulo noong nakaraang buwan ay nag-utos na si Papa na magtalaga na lang ng tauhan para hindi na ako gasino mahirapan. Nagpalabas labas din kasi siya ng bansa kaya kami lang ni Dylan ang naiiwan sa bahay. Mabuti na nga lang at nandoon sila Manang, kahit papaano'y may nakakasama kami.
Hindi naging kaso sa amin 'yon dahil sanay na rin kami.
Kung minsan nama'y nandoon sa bahay ang mga kaibigan ni Dylan. Tuwing Sabado o kung kailan sila may bakanteng oras. Napapadalas din ang pagsama niya kay Enzo. Ang alam ko'y niyaya niya pa ang ilan sa mga kaibigan niya na mag drag racing din.
Si Mama naman ay hindi na ako muli tinanong tungkol sa relasyon namin ni Chase. Hindi ko alam kung kinausap na ba siya ni Papa. Dahil isang araw ay tumawag na lang siya at nangangamusta.
Mula rin noon ay hindi niya na 'ko kinulit pa na hiwalayan si Chase. Hindi niya na rin nababanggit. Tatawag lang siya para tanungin kung ano ang lagay namin ni Dylan. Pati na rin ang lagay ng café.
Bukod doon, wala na. Siguro... napagtanto niya na hayaan na lang ako kung saan ako magiging masaya. Mabuti na rin siguro 'yon, ayoko rin naman na nagkakasamaan kami ng loob. Baliktarin man ang mundo magulang ko pa rin siya. Siya pa rin ang pupuntahan ko kung sakaling talikuran na ako ng mundo.
Napahinto ako sa pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto. Isang pamilyar na pigura ng babae ang dire-diretsong pumasok.
Wearing a white button down shirt with a black blazer and a skirt that doesn't reach her knees, paired with three-inch heels. Hawak niya ang laptop sa kaliwang kamay kasama ang ilang folders. Ang malawak na ngiti sa labi nito ay napalitan nang makitang ako lang ang naabutan.
Irita ang mukha nitong tumitig sa akin.
"Where is he? I need to talk to him." Nakataas pa ang kilay niyang tanong. Inikot muli ang paningin sa buong kwarto, naninigurado na hindi nga nagkakamali ang paningin.
"Still in a meeting." Maikli kong tugon.
Tumayo ako bilang respeto sa kausap. Hawak ang libro na lumapit ako nang bahagya sa kanya.
Pinasadahan niya nang tingin ang kabuuan ko. Umaarko ang kilay habang sinisipat ang bawat detalye ng aking kasuotan.
Nanunuya ang ngiti sa labi niya.
"Oh... okay. Anyway, anong ginagawa mo rito, school girl?" sarkastikong niyang saad. Ang mata'y dumako sa hawak kong libro. May pang-uuyam na sumalamin sa mga 'yon.
Nanatili lamang ang seryoso kong tingin sa kanya.
Sabi na nga ba. Simula pa lang talaga ay ayaw ko na sa kanya. Girls instinct never fails.
Ilang beses niya na rin ako naabutan dito na kasama si Chase pero ngayon lang talaga lumabas ang ugali niya. Kung kailan ako lang ang nandito at mag isa. Mabait lang sa akin kapag kaharap si Chase. Mapagbalatkayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/214706313-288-k26760.jpg)
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...