Chapter 15

125 0 0
                                    

Iyong lalaking matagal ko ng hindi nakikita. Iyong lalaking unang nagbigay kulay sa mundo ko. Iyong lalaking naging dahilan ng mga masasakit na ala-ala ko. Iyong lalaking... unang minahal ko, nakatayo na pala sa harap ko.

"L-liam..." Nangangatal kong bulong.

Pagbigkas pa lang sa pangalan niya ay halos manginig na ako. God. I should not feel this way! I have- Chase now. Hindi na dapat ako naapektuhan ng ganito!

Napaatras ako ng tangkain niyang lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag aalala niyang tanong.

Mabilis kong naiiwas ang sarili ng tangkain niyang hawakan ako.

Napaiwas ako ng tingin. "I'm okay, don't worry. Mauna na ako." Nagtatalo ang isip at puso ko kung ihahakbang ko na ba palayo ang mga paa ko o mananatili pa.

Running away is the first thing that comes in my mind nang makita ang mata niyang puno ng pagsusumamo.

Hindi ko kaya. Hindi ko pa rin pala kaya.

Isang paghawak niya lang sa mga kamay ko. Pakiramdam ko nayanig na naman nito ang mundo ko.

"Gina, can we talk? Please. Kahit... kahit saglit lang." He was begging like his life depends on me. And I wanted to ask him, why.

Bakit- bakit ngayon lang siya bumalik? Bakit ngayon kung kailan may iba ng nakapasok sa mundo ko. Bakit ngayong handa na akong kalimutan siya.

"Please, Gina."

Isang marahang pag iling ang ginawa ko. "I'm sorry. I can't." Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at mabilis na tumalikod.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko pakiramdam ko, para akong kinakain ng nakaraan. Lahat ng takot, lahat ng sakit...bumabalik.

For years, I keep this pain inside of me. I keep- everything inside of me. And God knows, it hurt me- a lot. Para akong kandila... unti unting nauubos, unti unting natutupok.

If talking to him would end my misery, then, I don't want it. I don't want to take my chances. Dahil pakiramdam ko may magbabago. Pakiramdam ko may magugulo. All hell would break loose... kung pati siya madadamay. Kung pati siya mawawala sa akin. And I wouldn't let that thing to happen. Not in my sight.

Ilang malalim na paghinga pa ang pinakawalan ko bago ako naglakad na ng tuluyan.

Ang nagugulumihanan na mukha ni Enzo ang sumalubong sa akin. "Bakit di ka pa pumasok? Kanina ka pa ba dyan?" Nagtataka niyang tanong.

Parang may suminding bumbilya naman sa isip ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nasa tapat ng pinto.

"Pumasok ka na." Saad niya sa mababaw na boses.

"Akila, sabi ko pumasok ka na."

"Huh? Uhh- yeah. Sorry" Dali-dali naman akong pumasok at bumalik na lang sa pwesto ko kanina.

"Nasaan iyong binili mo?" Ungkat niya.

Isang nagtatakang mukha ang sinalubong ko sa kanya. "Anong binili?"

"Akala ko ba may bibilhin ka kaya lumabas ka?" Kunot noo niyang balik.

Napahawak naman ako sa sintido nang maalala kung ano yung tinutukoy niya.

Yung tubig! Sa kahahabol ko sa lalaki ay nakabanggaan ko si Liam tapos... hindi ko na alam kung nasaan yung tubig.

Mariin akong napapikit. "Na- uhh... ubos na." Pagpapalusot ko na lang.

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now