Chapter 24

130 2 0
                                    

Sabado ng umaga at nagkukumahog akong bumaba ng hagdan. Tinanghali na ako ng gising. Sa dami kong tinapos kagabi ay alas tres ng madaling araw na ako nakatulog. Pagkatapos magsara ng café kagabi ay dumiretso na ako sa bahay.

Habang gumagawa ng ipangde-demo ko para sa susunod na Linggo ay tumawag na lang si Chase sa FaceTime. Pinanood niya lang ako habang gumagawa. Hindi niya naman pinatay ang tawag hanggang sa matapos ako. Iyon tuloy ay parehas kaming puyat.

Pagdating sa kusina ay ang kumakaing si Enzo at Dylan ang naabutan ko. Kunot noong tinitigan ko naman siya. Alas otso pa lang ng umaga ay nandito na. Bihis na bihis ito na tila pupunta sa kung saan. Hindi ba uso rito ang mahiya man lang?

"What are you doing here?" Taka kong salubong sa kanya.

Uminom naman muna ito ng juice bago bumaling sa akin. Kakain na lang ng agahan, nangapit bahay pa. Ibang klase talaga.

"Boring sa bahay, walang tao. Kaya pumunta ako rito."

"Sa porma mong 'yan?" Sarkastiko kong banat.

He just shrugged. Pinagpatuloy na lang ang pagkain niya. Hindi ko na lang ito pinansin at bumaling na lang kay Dylan. Isa pa 'tong bihis na bihis. Himala nga at maaga itong gumising. Tuwing may pasok lang kasi maaga bumangon ang isang 'to.

"Naabutan mo ba si Papa kanina?" Tanong ko habang nagsasalin ng pagkain sa plato.

"He's out of the country. Parehas sila ni Tito Kristoff. Pinapasabi niya nga pala na tawagan mo si Mama. Ilang araw mo na raw kasi hindi sinasagot ang tawag nito." Sagot niya habang hinihiwa ang pancake na nasa plato niya.

Napabuntong hininga na lang ako.  "I'll try to call her later. Pagdating ko na lang siguro sa café."

Nang masilip ang cellphone ay may text na si Chase na papunta na siya rito. Hindi ko naman na 'to sinagot at nagmadali ng kumain.

Maya-maya pa'y napabalik na naman ang tingin ko sa dalawa nang marinig ang usapan nila. Ilang beses ko rin narinig ang salitang laps at race track. Paniguradong may laban na naman itong si Enzo. Ilang taon na rin naman mula ng huminto siya sa drag racing. Mukhang naisipan na naman nitong makipag karera. Old habits, die hard.

"You're back into racing again, Enz?"

Tumango naman siya. "Yeah. Isasama ko si Dylan. Nagpaalam naman na ako kay Tito kaya ayos na." Napabaling siya sa akin. "Gusto mo ba manood? May laban din sila William at Zach mamaya."  Makahulugan nitong alok.

"Hindi na, marami pa akong gagawin. Paniguradong maraming tao sa café ngayon." Diretsa kong sagot. Hindi na pinabulaanan ang pinahihiwatig nito.

Nagkibit balikat na lamang siya. Pinagpatuloy ko na lang din naman ang pagkain ko.

Wala naman talaga akong balak na manood ng laban nila kung hindi man ako busy. Kung highschool pa siguro ako ay paniguradong hindi pa niya tinatanong ay sasama na ako. Nawili lang naman ako noon dahil kay William.

Lahat ng laban niya ay pinapanood ko. Simula tuloy noon ay nagkainteres na ako sa mga sports car. Iyon nga lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako marunong mag drive. Magpapaturo na lang siguro ako kay Chase, one of these days. Kapag parehas na maluwag ang schedule namin. Maybe, we can do it tomorrow. Tutal, buong maghapon ay magkasama naman kami.

Ilang minuto lang din ay dumating na siya. Madali akong nag ayos at lumabas na ng bahay.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad na rin sumakay. Buong byahe ay nakapatong lang ang kamay niya sa hita ko. Wala ng bago. Magmula noon ay kinasanayan niya ng ilagay sa hita ko ang kamay niya. Kapag inaalis ko para mang-asar ay sinasamaan ako nito ng tingin. Pikon.

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now