Chapter 21

131 1 0
                                        

Nakailang buntong hininga na yata ako pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol sa mangyayari sa Linggo. Alam ko, pinagbigyan niya lang ako kanina.

Sa sobrang selos ko roon sa babae ay hindi na niya nausisa pa kung bakit ako nandoon, kasama ang isang lalaki. Kung hindi siguro nauna ang selos ko, malamang hanggang ngayon ay pinagtatalunan namin kung bakit ko kasama ang isa sa mga anak ng business man.

He will definitely question me, too, nonstop. Siguradong kung pupunta siya roon sa Linggo ay makikilala niya na si William ang kasama ko kanina, o di kaya'y, magkakilala na talaga sila? I mean- bakit hindi mo kikilalanin ang magiging kalaban mo sa business, diba?

Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Kanina pa kasi ako nakahilig lang sa dibdib niya. Nakatitig lang sa palabas. Wala rin naman akong maintindihan sa pinapanood namin. Might as well voice out my problem here.

"Do you have plans on Sunday night? I mean- uhm... baka lang aalis ka?" May agam kong tanong.

Tinitigan niya naman ako, naninimbang. "My only plan is to make you stay with me 'till midnight."

Bahagyang napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Didn't he know that he's about to go in some business matters? Hindi na naman ba siya na-orient ng bago niyang secretary?

"Wala kang pupuntahan bukod doon?" Napakagat pa ako ng labi. "Like, a meeting in your company or maybe others company. Sigurado kang wala talaga?" Habol kong tanong.

Napakunot ang noo niya. "I don't do work on Sunday's. That's my only time to be with you the whole day."

Bahagyang napaawang ang labi ko. Muntik nang matampal ang noo. Napagkasunduan nga pala namin na tuwing araw ng Linggo ay maghapon lang kami sa bahay niya. Siya ang nagtalaga noon dahil alam niyang sa mga susunod na araw ay parehas na kaming busy. Bakit ko nga ba nakalimutan ang tungkol doon? I am really darn, spacing out!

I chuckled nervously. "K-kasi-  uhm, can I go out on that day? May pupuntahan lang ako with... my f-friend. I mean the whole day." Kinakabahan kong saad.

Pakiramdam ko tuloy nahalata niya ang pagiging kabado ko. Nanatili lang kasi itong tahimik, nakatitig lang sa akin.

Inipit niya sa tenga ko ang takas na buhok. Napabuntong hininga muna siya bago sinagot ang tanong ko. "Alright, we'll just see each other on Monday, then? Sinong kaibigan ang kasama mo?"

"Huh? Uhm, k-kaibigan ko lang noong highschool pa ako." Freaking, white lie! "Hindi ka ba magagalit?" Wala sa hulog kong tanong.

Napakunot naman ang noo niya. "Bakit ako magagalit?" Nagdududa ang tingin nito. Napaarko pa ang isang kilay. "Are you planning to go in the club again, Georgina?"

Mabilis akong napailing. "Of course, not! May pupuntahan lang talaga kami, tsaka, may pasok na sa Lunes hindi na ako pwedeng magpunta roon."

His lips pursed. Sandali itong natahimik. Naglalambing ang tingin. "Hindi ba talaga pwedeng samahan na lang kita? That's my only free day to be with you, baby. After that we'll going to get busy."

Napabuntong hininga na lamang ako. Little did he know that we're going to see each other, later, on that day.

How can I be this selfish? I should tell him about it but, here I am, telling him just a glimpse of it. Hindi ko magawang masabi sabi sa kanya.

Kung ang reaksyon niya nga lang kanina ay halos magpanginig na sa akin, ano pa kaya kung makita niya ako sa araw na iyon? Lalo na't kasama ang parehong lalaking pinagtalunan namin kanina. He will definitely get mad again. Paniguradong sa araw na 'yon ay hindi na ako makakaiwas sa mga tanong niya. And maybe, on that day too, I would definitely not know how am I gonna tell him about everything. I am damn, hopeless!

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now