"Georgina, wake up. Georgina."
A light tap on my cheeks woke me up. Ang inis na mukha ni Enzo ang unang sumalubong sa akin. Inaantok man ay napaayos na rin ako sa pagkakaupo.
"Bakit nandito ka? And can you please stop calling me Georgina? It's annoying." Pupungas pungas kong saad.
"Aalis na tayo."
Napahinto ako sa pagkusot ng mata.
Naguguluhang napatingin ako sa kanya.
"Anong aalis?" Tanong ko.
Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sa akin.
"We're going back to New Jersey." He said.
Napakunot ako ng noo. "Are you kidding me, Enzo? Bukas pa ang flight natin. You know what... kung galit ka pa rin hanggang-"
"Pinamove ko ang flight natin. We're leaving at six."
Napatigalgal ako sa sinabi niya.
"No way! Stop kidding me, Enz. It's not funny." Hindi ko pa nga nasasabi kay Chase na paalis na kami bukas, tapos, sasabihin niyang aalis na kami ngayong araw. He didn't even inform me na pinamove niya ang flight!
"I'm not. Tawagan mo pa si Tito Hunter." Untag nito.
Mabilis ko namang hinanap ang cellphone ko. "Shit! Nasaan na 'yon?" Napatayo ako at tulirong hinanap kung saan ko 'to nailagay. Bakit ba naman kasi lagi na lang nawawala ang cellphone na 'yon, eh!
"Ano bang hinahanap mo dyan?" Kaswal nitong tanong.
"Iyong phone ko... naiwan ko yata sa office ni Chase." Ang naaalala ko lang ay noong nagising ako sa kotse niya. Sa pagod ay nagdiretso na ang tulog ko. Kahit ang pagdala niya sa akin sa kwarto ay hindi ko na namalayan.
"Ito ba?"
Mabilis akong napabaling sa hawak niya.
"Bakit nasayo 'yan?" Kunot noong kinuha ko sa kamay niya ang cellphone.
"Tulog ka pa kanina kaya ako na ang sumagot ng tawag." Nakangising sagot nito.
Aba't ang kapal talaga ng mukha! Nakuha pang mangialam ng cellphone ng iba.
"You should've wake me up, then! Hindi yung bigla mo na lang sasagutin ang tawag na hindi naman para sayo. This isn't even your phone!"
Napaarko ang kilay niya. "Wag kang mag-alala. Hindi si Chase ang tumawag. It's Zach." Pagdadahilan niya pa.
"Kahit na! Dapat ginising mo pa rin ako." Naiinis na binuksan ko ang call history ng cellphone. Bakit naman kaya tatawag iyong si Zach sa akin? Wala naman akong maalala na binigay ko sa kanya ang number ko.
"Kanina pa kita ginigising, ikaw 'tong tulog mantika. Tsk. Ayusin mo na gamit mo isasabay na kita pauwi. Sayang lang sa gas kung dadaanan pa kita rito."
Saglit akong napahinto. Akala ko... panaginip lang yung parang may tumatawag sa pangalan ko. I thought it was real. Siya lang pala.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Sabagay wala namang pinagkaiba. Isang naglalakad na bangungot naman 'tong si Enzo.
"Oo na! Lumabas ka nga roon!" Pagtataboy ko sa kanya habang pilit siyang tinutulak palabas sa pinto. Sa laki niya'y hindi ko magawang pausugin man lang siya sa pwesto niya. He and Chase have the same body type. Mas matangkad nga lang si Chase nang kaunti.
"Ayoko. Dito na lang muna ako sa kwarto mo." Mabilis niya akong naiwasan at agad na humiga sa kama ko.
"Enzo! Lumabas ka na kasi! Mag-aayos pa ako ng gamit."

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomantizmGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...