"Earth to Akila, hello? Nandiyan ka pa ba?"
I frowned. Ano bang problema nito at ang aga-aga mang-inis?
"Pwede ba Enzo, napakaganda ng umaga pero bakit 'yang pagmumukha mo agad yung nakikita ko!"
Palibhasa walang klase kaya kung saan-saan nakakagala itong unggoy na 'to. Clearance na lang kasi ang inaasikaso namin. Busy na yung iba sa graduation.
"What's wrong with my face? Hindi mo ba alam... sa gwapo kong 'to halos lahat sila ay nagkakandarapa sa akin?" Saad niya habang ang kanang kamay ay nasa kanyang baba.
Napairap ako. "Leave me alone." Naiiling na tumayo ako at nilagpasan siya.
"Saan ka pupunta?"
"Akila! Huy! Teka lang!"
Hindi ko siya pinansin at dali daling naglakad palabas ng classroom.
Tutal kanina pa ako nagugutom pupunta na lang ako sa canteen. Hindi na 'ko nakapag agahan kanina dahil sa pagmamadali ko.
Napabaling ako nang mapansin na naabutan niya na pala ako. His right hand is in his pocket. Ang tatlong butones ng polo niya ay nakabukas.
"Kamusta na nga pala yung paa mo?" He clicked his tongue. "Hindi ko na kasi nasamahan si Chase sa pagdala sayo sa ospital noong nakaraan. May emergency sa bahay."
"Fine, I guess? Nakita mo naman na nakakalakad na ako diba?" I said, a bit annoyed. Sa lahat ba naman kasi ng ipapaalala niya... bakit 'yon pa?
He chuckled. "Galit? Ang sungit mo yata ngayon? Meron ka no?"
"Shut it, Enz. Spare me from your nonsense wits this time." I glared at him. "Sa susunod wag mo na nga ako ipasa... forget it."
"What is it? Ipasa, ano? Ipasampal? Ipasagot? Ipasakay? O ipasama kay... Chase?"
"Ewan ko sayo! Ikaw ang ipasampal ko kay Bea dyan, eh."
Napahalakhak siya. "Balita ko may nakakita raw sa inyo na nag aaway sa hallway? Balita ko ulit buhat ka pa nga raw."
Mabilis na napakunot ang noo ko. "Saan mo naman napagpupulot 'yang balita mo na 'yan? Nakalimutan mo na ba? Babaero ka hindi chismoso!"
He just shrugged. Napapangisi siya. "Secret. Walang clue."
Nang makarating sa canteen ay agad akong pumila para makabili na. Mabuti na lang at hindi ganoon kahaba ang pila ngayon. Maaga pa rin naman kasi. Isa pa... abala siguro ang iba sa kakanood sa mga nagpa-practice.
"Anong bibili-" Agad na napakunot ang noo ko nang saktong paglingon ko ay wala na siya sa likod ko.
"Nasan na 'yon?" Bulong ko sa sarili.
Napailing na lang ako.
Nambabae na naman siguro.
Hindi ko na lang ito inintindi at inuna na ang talagang ipinunta ko rito.
Kumuha ako ng bake mac, triple chocolate roll, pineapple juice at fries. Nang makapagbayad ay diretsong naupo na ako sa pinakamalapit na upuan.
Habang kumakain ay naririnig ko ang bulungan ng iba.
Dalawang Linggo na ang nakalipas pero patuloy pa rin na pinag uusapan ang pagkapanalo ng Business Ad. Syempre, hanggang ngayon ay wala pa rin ang cellphone ko. Bwisit talagang Chase 'yon!
"Kung makapang blackmail akala mo naman gwapo. Hmp!"
"Sinong gwapo?"
Napaubo ako nang biglang may nagsalita sa harap ko.

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...