Epilogue

326 2 6
                                    

"Nandito ka lang pala!"

Napahinto ako sa pakikipaghalikan nang marinig ang boses niya.

Naipikit ko ang mata sa inis.

What the the heck is this assholes problem? Kahit kailan panira kung kailan may ginagawa ako.

Asar na inayos ko ang nagusot na polo. Ang babaeng kasama ko ay namumula sa hiya. Probably because we got caught by someone.

Dumb, Achilles. Nasa dulo na kami ng building talagang nasundan pa kami. Did he just put a tracker on me again?

Mukhang pinagpractice-san na naman ako.

He laughed with mockery. "Fourth time for this whole day? Weak."

Hinayaan ko na ang tatlong butones na nakabukas. I slid my tie inside my pocket.

Bugnot ko siyang hinarap. "What is it this time, Achilles?"

"Oh, come on, Caden... nabitin ka ba?" Sabay hagalpak niya ulit ng tawa. Nakuha pang ngisian ang babaeng katabi ko.

Pagod na napabuntong hininga na lang ako.

He's probably doing this on purpose. May kailangan na naman ang gago.

I signalled the girl to leave.

We're done anyway. She already knows the drill. Hindi ko na kailangan pang ulitin sa kanya 'yon. Chasing women is never my kind of thing. Sila ang kusang lumalapit sa akin.

Nang makaalis ito ay asar na nilagpasan ko na lamang si Achilles.

"Alam mo kahit kailan pikon ka! Tss. Hoy, teka!"

"Caden!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.

Habang naglalakad palabas sa University ay ilang estudyante pa ang nadaanan namin. The usual. Lahat ng tingin nasa amin na naman. They are smiling from ear to ear.

Hinayaan ko na lang at hindi na pinansin. Wala ng bago. Kailangan ko na rin pumunta sa kompanya. Nagpalipas lang talaga ako ng oras.

Kahit na masakit sa ulo ang pag aasikaso niyon ay wala naman akong magagawa. Achilles doesn't want to handle the company. He already informed us about that. Though, he's still helping whenever he wants to.

We both want to take the same path as an IT.  He already fulfill his dreams of becoming one while I'm on my last year right now.

Magmula noon ay ako ang inasahan ni Dad na tumulong sa kanya.

It's fine with me. To run the most well known company isn't bad after all. And it was also my responsibility as his son to handle our business.

I'll took Business Administration after this. May apat na taon pa akong gugugulin para masaulo ang pasikot sikot.

"Sama ka? May race mamayang seven." Untag niya nang makahabol sa akin.

I suddenly looked at my wrist watch.

It's almost five in the afternoon.

Maaga rin pala ang naging tapos namin sa paggawa ng system kanina. Not bad.

"Sino kalaban?" Tanong ko.

"Newbie. Enzo just informed me awhile ago. Magkita kita na lang daw mamaya." Bumaling siya sa akin. "Ano, sasama ka?"

"Pass."

"Anong pass? Bakit? Marami bang gagawin sa kompanya ngayon?" Kunot noo niyang tanong.

Nagkibit balikat lang ako. Kinuha ko na sa bulsa ang susi ng kotse at binuksan na 'to.

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now