Mabilis kong naisara ang pinto at iniharang ang sarili na parang may biglang magbubukas nito.
Tarantang tinitigan ko siya. "Huh? Uhh. Ano... Ha-ha yung ano... yung naghahatid ng sulat. Tama! Si Pat! Iyong postman. Nakalimutan daw kasi ni Enzo na kuhanin yung sulat sa post office. He-he"
Kunot noo siyang lumapit sa akin at sinalat ang noo ko. "Ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?" He asked.
Kinakabahang inalis ko ang kamay niya. "Oo naman. Bakit naman hindi?" I laughed awkwardly. "Tsaka, ano ka ba naman, Zach. Magdamit ka nga!" Sabay tulak ko sa kanya palayo sa akin.
Sobrang lapit na kasi niya.
He chuckled. "Uhh. Yeah, sorry. Nasaan na nga ba yung damit na kinuha mo?" Tanong nito habang napapakamot sa batok.
Iaabot ko na sana ang hawak ko nang mapansing wala 'to sa kamay ko.
Shit! Naiwan ko yata sa labas! I mentally cursed myself.
"Ano..." Napakagat ako sa labi. "Ikaw na lang ang manguha. Naiwan ko kasi sa kwarto ni Enzo." Pagpapalusot ko.
Kumunot ang noo niya. "Sigurado kang ayos ka lang? Malamig naman... bakit parang pinagpapawisan ka yata?" Nagtataka niyang tanong. Titig na titig siya sa akin na tila sinisiyasat ang itsura ko.
Pasagot na sana ako ng kalaunan ay mapahinto. Ang sigaw ni Enzo ang nagpabaling sa amin.
"Zacharias! You, fucker talo ka na!" Sinundan pa ito nang malakas na tawa niya.
Sandali kaming natahimik bago napailing na lang pareho.
Bahagya akong napangiti. "Sige na, Zach. Manguha ka na ng damit tsaka... uhm. Pwede bang ikaw na rin ang magtingin ng cake ko? May titignan lang ako sa labas."
Tumango naman ito.
Magtatanong pa sana siya pero kaagad ko na siyang itinulak. Pinilit ko na itong umakyat sa kwarto. Wala na rin naman siyang nagawa at natatawang tumalikod na sa akin.
Bago siya tuluyang umakyat sa hagdan ay isang ngiti pa ang binigay ko sa kanya. He just nodded at me.
Nang hindi ko na siya makita ay napabuntong hininga na lamang ako.
Muntik na 'yon, ah.
Kabadong hinarap ko na muli ang pinto. Pinag-iisipan kung bubuksan ko pa ba. Sa lahat ba naman kasi ng oras na magpapakita siya ay saktong nandito pa si Zach. Ang malala, nadatnan niya pang wala itong suot na t'shirt.
Nakakainis! Bakit nga ba kasi siya nandito?!
Kinakabahan man ay binuksan ko na ang pinto nang dahan dahan. Kalahati lang ang pagkakabukas ko. Ang sama kasi ng titig ni Chase.
"Labas." Seryoso nitong saad.
Napakagat ako sa labi. Mukhang... galit nga.
Parang batang napailing ako sa kanya habang nagtatago sa likod ng pinto.
He glared at me. "Lalabas ka o ako ang papasok dyan?"
"Saan ka papasok?" Wala sa wisyo kong tanong.
He cursed multiple times. Kunot noo siyang tumitig sa akin. "Goddamn it, Georgina. Lumabas ka na dyan kung ayaw mo 'kong magalit nang tuluyan." Matigas nitong utos. Ang kilay ay salubang na rin.
Napahaba naman ang nguso ko. Hindi pa siya galit sa lagay na 'yan?
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.
He's wearing a white shirt with a black leather jacket, black jeans, and a black chukka boots. Napababa ang tingin ko sa hapit niyang damit. Kumakaway na kasi ang abs niya. Parang ang sarap tuloy mag "hi" man lang.
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomansaGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...