It's summer and my head is throbbing so bad. Nalipasan na naman kasi ako ng gutom. Simula pa kaninang umaga ay dire-diretso na ang gawa ko rito sa office. Dahil ilang buwan ng hindi nakakabalik dito si Papa ay talagang napasa na sa akin ang mga gawain niya. Wala naman kaso sa akin iyon dahil alam ko naman na abala rin ito sa mga ginagawa niya sa Pilipinas.
Isa pa, wala naman ako gasinong ginagawa ngayon bukod sa pagbabantay kay abuela at pag-aasikaso nang nalalapit na namin thesis. Kapag nababakante'y nasa race track lang naman ako, nagpapalipas ng oras kasama si Ethan.
But, really, I've been trying so hard these past few days. May ilan kasing hindi ko pa naiintindihan. Masakit pala talaga sa ulo ang mag handle ng ilang kompanya. Isa pa lang ang hawak ko at hindi pa sa main ay gusto ko na agad mag quit. Ang sakit sa ulo!
Mabuti na nga lang at nandito si Ethan para tulungan ako. Kahit na abala ito sa trabaho niya ay pinupuntahan talaga ako rito para lang tumulong. Well, it's because I'm stupid sometimes. Fine, many times.
May mga biglaang desisyon ako na nagagawa. Madalas, palpak. I can't help it. I'm not thinking straight these past few days. I'm being irrational. Nahihirapan na ako.
Napabuntong hininga na lang ako at mariing naipikit ang mata. Pagod na sumandal sa swivel chair.
Mabuti pa siguro bumaba na muna ako para makapag pahinga naman saglit ang isip. My thoughts are running wild. Magmula nang maglabasan ang ilang balita sa kanya ay natotorete na naman ako. Hindi na naman ako makapag isip nang matino. Masyado na yata akong naapektuhan.
Bago lumabas ng office ay inayos ko muna ang sarili. Matapos ay dire-diretsong naglakad papunta sa pantry. Dahil nasa first floor ito ay napilitan pa akong mag elevator na lang. I'm on the fifth floor. Sa sobrang bait ni Ethan ay talagang pinalagay niya ako rito. Tumataba raw kasi ako kaya kailangan ko nang maglakad lakad. Bwisit.
Pagdating sa pantry ay marami rami na rin naman ang nandoon at nagbe-break. Ang ilan ay napabaling pa sa akin. Binati lang naman ako ng mga ito nang makita.
"I bet that Chase Consunji is great in bed. Gracious. Did you saw his shirtless body last night? He's all over the news!" she squeeled like a teenager. "His new girlfriend is so lucky! I heard her woman is a blonde model?"
"Bitch. TheTalko didn't confirmed it yet. They were just seen on a beach together." Napairap naman ang kasamang babae.
Sandali akong napahinto. Mariin kong naipikit ang mata. Masama sa kalusugan ang ginagawa ko. Mali pa yatang bumaba ako rito. I should've stayed in my office, I guess.
Ilang pagbuntong hininga pa ang ginawa ko bago napagdesisyonan na lagpasan sila.
Confirmed my ass.
Paalis na sana ako nang marinig ang isa na namang balita sa tv. It was all about him, again. Napabaling tuloy ako rito.
Ilang pagtitipon ang pinakita ng isang sikat na broadcast news na dinaluhan ng pinakasikat na tao ngayon sa bansa.
Ilang larawan mula sa nasabing event ang pinakita. I bet it's in Puerto Rico. A group of beautiful women flocks all over his side. Sa paraan nang pag ngiti ng mga ito ay tila nagkakasiyahan talaga. Ang bawat kuha ay talagang maganda at kitang kita kung gaano kahalaga ang pinaka nasa gitna nila.
Great view, indeed. Tama 'yan. Galingan mo pa.
Hanggang sa mawala ang news ay para akong tuod na nanatili pa rin sa pwesto ko. Napabalik na lang ako sa wisyo nang maramdaman ang kamay ni Ethan na pumulupot sa bewang ko. Nakabalik na pala ito.
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...