"Kaya mo 'yan Akila. Lumakad ka lang na parang walang nararamdaman. Manhid, ganon." I sighed before looking straight into the gate of our campus.
I am wearing a pair of navy blue fitted crop top and above the knee skirt. The logo at the center of my top has a book and a lesson plan design while the skirt has pleats on its right corner. May kulay white na linings ang dulo ng palda. It is then paired with a white flat shoes. Si kuya Ash ang nag design ng damit.
Hindi naman namin pwedeng gamitin 'yong uniform talaga namin bilang cheerleaders dahil by department lang naman ang labanan.
Napakagat ako sa labi ng maramdaman na lalong sumakit ang paa ko.
I did apply a cold compress last night. Pero masakit pa rin talaga siya. Buti na nga lang at nakapagpabili ako ng compression socks kanina kay manong. Pakiramdam ko hindi ko lalo kakayaning maglakad kung wala iyon. I also take an aspirin just to be sure. Kung pwede lang sanang i-move ang schedule ng competition, kaso hindi.
Buti na nga lang at hindi nila makikita ang pamamaga nito, pasalamat na lang ako at medyo may kataasan itong napiling medyas.
Pataas na sana ako sa hagdan nang makasalubong ko si Vend.
"Oh, Kila... sa gym na raw kayo pumunta." He said while fixing his eyeglasses.
"Wala bang tao sa room? Iiwan ko sana 'tong gamit ko." I asked while staring at the staircase.
That's odd. Maaga pa naman... bakit nasa gym na silang lahat?
"Wala na, nilock ko na 'yon, eh. Doon mo na lang ilagay sa pwesto natin 'yang gamit mo. Wala kasing klase ang buong campus pinapunta na lahat sa gym."
Wala na akong nagawa at napatango na lang.
Great! Now every student in the campus will be watching us. What an incredibly lucky day for me.
Sumabay na lang ako kay Vend papuntang gym.
"Bakit ang aga naman yata na pinapunta
lahat sa gym? Mamaya pa namang 1pm yung laban, ah?" Kuryoso kong tanong.Nilibot ko nang tingin ang buong gymnasium. Nahati ito sa iba't-ibang department. Ang iba'y suot ang department shirt nila, mukhang pinaghandaan talaga.
"Ewan ko nga rin ba. Akala ko nga rin ay tayo lang ang nasa gym mamaya." Sagot niya sabay nauna nang maupo sa bleachers.
Mukhang mas excited pa sa amin ang mga higher years, may mga banner kasi silang dala. Karamihan may hawak pang mga lobo. May birthday ba?
Napa iling na lang ako.
"Sino raw ang judge?" Tanong ko nang mailapag sa tabi ni Bea ang bag.
"Hindi ko alam. Wala pa naman kasing ina-announce."
Nang mapabaling ako sa kanya ay busy na siya sa pagse-cellphone.
Mabilis na napakunot ang noo ko nang maramdamang parang may nakatingin sa akin.
Nagpalinga linga ako.
Kahit anong baling ko sa buong gym ay hindi ko naman mahanap kung sino.
"Weird." Bulong ko habang ang noo'y nakakunot pa rin.
"Anong weird?" Biglang singit ni Enzo.
Muntik pa akong mag mura nang magulat sa kanya. Bakit ba naman kasi bigla bigla na lang siyang sumusulpot?!
"Iyong mukha mo weird! Bwisit ka talaga!" Sa asar ay piningot ko ang tenga niya. Huh! Akala niya ba'y nakalimutan ko na ang pilit niyang pagpapasakay sa akin sa kotse ng iba?
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...